Sa harap ng problemang hatid ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), nakaisip ng pagpa-good vibes ang isang chef sa Hanoi, Vietnam na gumawa ng coronavirus-themed burgers.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ni Chef Hoang Tung, na ginugugol nila ang kaniyang araw sa paggawa ng mga green-tea stained burger buns na may “crowns” na tulad ng hitsura ng virus.

“We have this joke that if you are scared of something, you should eat it,” sabi ni Tung, na may shop sa Hanoi.

(Larawan mula sa Reuters)

“That’s why the coronavirus isn’t scary anymore after you eat a burger in the shape of the virus itself. That way of thinking spreads joy to others during this pandemic,” paliwanag niya.

Nakabebenta umano umano sila ng hanggang 50 burgers sa isang araw kahit pa dumadami ang negosyo na nagsasara sa Vietnam bilang pag-iingat sa virus.

Ang lola na si Dang Dinh Quy, 66-anyos, na sinamahan ang apo na bumili ng coronaburger, itinuturing morale-boosting treat ang naturang pakulo ni Tung.

“This coronavirus is very dangerous. But if we eat a burger in its shape, in our minds its like we are already victorious,” sabi ni Quy.

“If you want to beat it, you’ve got to eat it first,” dagdag niya.

Sa ngayon, tinatayang nasa 148 ang kaso ng COVID-19 sa Vietnam, pero walang nasawi, ayon sa kanilang health ministry.--Reuters/FRJ, GMA News