Sa panahon ngayon na bawal ang magkasakit dahil sa banta ng COVID-19, balikan ang kuwento ng isang lalaki sa Leyte na walang takot sa makamandag na kobra dahil kaya raw niyang pagalingin ang sarili at ang iba pang sakit.

Alamin ang pambihirang kuwento ni Mang Danny sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," kung saan ipinamalas niya ang kaniyang talento sa tila pagpapaamo sa cobra na kaniya pang isinusubo.

Pakinggan din ang babala ng eksperto tungkol sa ginagawa ni Mang Danny at ang payo sa mga nakakagat ng mga hayop tulad ng aso na sa duktor magpagamot upang makaiwas sa kapahamakan. Panoorin ang video.


--FRJ, GMA News