Arestado ang isang lalaki sa California matapos umanong sapakin sa mukha ang kanyang ina dahil sa away sa toilet paper, ayon sa ulat ng Agence France-Presse nitong Biyernes.

Ayon kay Shirley Miller, tagapagsalita ng Santa Clarita Valley Sheriff Station, nagsimula ang away ng itago ng ina ang stock nila ng toilet paper dahil malakas daw gumamit ang 26-year-old na suspek na si Adrian Yan.

Nangangamba raw ang biktima na baka maubos ang toilet paper nila sa gitna ng limitadong supply nito sa mga grocery store bunsod ng ipinatutupad na lockdown para labanan ang pagkalat ng COVID-19 or coronavirus disease 2019.

Nahaharap si Yan sa reklamong battery.

Ayon kay Miller, dumami ang insidente ng family violence dahil sa lockdown.

"Tensions are running high in a lot of households because of the stay-at-home directive and so this is to be expected," aniya. --KBK, GMA News