Dahil sa perwisyong dulot ng mga balang o kuliglig sa mga palayan, nag-alok ang pamahalaan ng Nepal ng pabuya sa mga manghuhuli ng naturang peste.

"Our decision is aimed at encouraging people to catch the insects instead of using pesticides which might be harmful to the environment," sabi ni Agriculture ministry spokesman Khagendra Prasad Sharma sa Agence France-Presse.

Bawat isang kilo ng mga mahuhuling balang o kuliglig ay babayaran ng 25 rupees o $0.21.

Nahuhuli ang mga insekto gamit ang kulambo na inihaharang sa kanilang paglipad.

Mas madali rin daw mahuli ang mga ito sa gabi.

Sa nakalipas na tatlong araw, nasa 10 kilong balang na umano ang nakolekta sa Butwal, .

"They are being collected in other areas too. Depending on the volume, they might be used as feed for chicken and livestock," ayon sa province official na si Yam Narayan Devkota.

Maging ang mga magsasaka sa Pakistan ay nanghuhuli rin ng bala para ibenta sa kanilang mga opisyal. Ginagawa umanong chicken feed ang mga peste.

Ayon sa agriculture ministry ng Nepal, wala pa namang matinding pinsala sa kanilang taniman pero nais nilang agapan ang problema.

Nagiging sakit din ng ulo ang balang sa East Africa, Arabian Peninsula at bahagi ng India. Nangangamba ang mga eksperto na dadami pa ang bilang ng peste pagsapit ng panahon ng tag-ulan.--AFP/FRJ, GMA News