Nahuli-cam na lalaking tumawid at biglang naglaho, multo nga kaya ng isang dating nagtatrabaho na malapit sa highway?
MARSO 25, 2024, 10:51 PM GMT+0800
Ayon sa mga residente, marami nang aksidente at may mga namatay na sa highway kung saan nakuhanan ng video ng isang rider ang misteryosong nilalang na biglang tumawid at biglang naglaho sa Cagayan de Oro City. Ang isang nagtatrabaho na malapit sa highway, sinabing namumukhaan niya ang misteryosong nilalang na dati nilang katrabaho pero namatay na ito.