Isang hindi inakalang solusyon sa nagtataasang presyo ng krudo ang naimbento ng isang kumpanya sa Scotland, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Gawa raw sa organic waste ng alak na whiskey ang biochemicals na ginamit ng kumpanyang Celtic Renewables sa paggawa ng alternatibo sa gasolina.

Anila, ang paggawa ng biochemicals mula sa whiskey ay isang environmentally-friendly process na maaaring gamitin sa paggawa ng pagkain, makeup at gasolina.

Binabalak ng Celtic Renewables na gumawa ng limang refinery sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, ngunit kinakailangan muna nila ng suporta mula sa gobyerno at mga investor para maipatupad ito. —Jiselle Anne Casucian/KBK, GMA News