Viral sa social media ang isang buntis na majorette na todo-hataw sa kaniyang pagsayaw at pagpapamalas ng kaniyang baton skills sa Tanay, Rizal.

Sa video ng San Ildefonso Band 78, na mapapanood sa Unang Balita nitong Martes, makikita ang hataw na dance moves ni Nicole Marbella, na hindi nagpahuli sa exhibition.

Dahil dito, nakatanggap siya ng palakpakan at hiyawan mula sa mga manonood.

Nabilib maging ang netizens kaya may mahigit 9,000 shares na sa kasalukuyan ang video ni Nicole. â€”Jamil Santos/KG, GMA News