Hindi hadlang ang pagkaputol ng dalawang binti ng isang lalaki sa Sarrat, Ilocos Norte, na ipinamalas ang kaniyang vulcanizing skills.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing naputol ang mga binti ni Warlito Tumpap dahil sa isang sakit noong bata pa siya.

Gayunpaman, nasanay na si Warlito sa trabaho kaya napakadali na lamang ang pag-vulcanize, pagbubuhat, at pagtatanggal ng rim ng gulong, sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Naghatid ng inspirasyon si Warlito pagdating sa kasipagan. --Jamil Santos/FRJ, GMA News