Hinuli ang isang manok matapos itong makapasok sa isang high security zone ng Pentagon, na ikinagulat ng mga armadong guwardiya.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabing nai-turn over ang manok sa mga lokal na animal control officer matapos itong makorner sa nanlalamig na bahagi ng Pentagon, ang headquarters ng US Department of Defense.

Wala namang paliwanag ang Pentagon security kung paano nakapasok ang manok, o kung nagdulot ba ito ng anumang partikular na banta.

"Our officers were called to come pick her up," sabi ng Animal Welfare League of Arlington (AWLA) sa kanilang Facebook page.

"Sgt Balaena brought her safely to the shelter where she'll stay until we find a new home for her," saad ng organisasyon, na nagpost ng larawan ng nahuling kulay kayumangging manok na nasa isang plastic na carrying cage.

Marami ang birong nagmungkahi na "Henny Penny" ang ipangalan sa manok, matapos magtanong ang AWLA tungkol sa ipapangalan dito.

Ayon naman sa isa pang commenter, "Colonel Sanders" ang magandang ipangalan sa manok.

"I would check this chicken for bugs... and not the biological kind," saad ng isang netizen.

"What a clustercluck," saad ng Military Times. — VBL, GMA News