Na-break ng Mexico ang record para sa pinakamahaba at pinakamabilis na nagawang torta sandwich.

Sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing umabot sa 74 metro ang haba ng ginawang torta sandwich.

Bukod dito, ito rin ang pinakamabilis na nagawang torta sandwich, na inabot lamang ng dalawang minuto at siyam na segundo.

Pinatikim ang record-breaking na torta sandwich sa ika-17 annual Torta Fair sa Mexico City.

Siksik ang sandwich sa iba't ibang flavor at local twist. —Jamil Santos/VBL, GMA News