May pakulo ang isang cafe kung saan sagot na nito ang pagpapadala ng mga liham ng mga customer sa kanilang future self sa Seoul, South Korea.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing merong post card, brown envelope, ballpen at wax seal ang Nuldam Space Cafe na puwedeng sulatan ng mga customer ang liham para sa kanilang mga sarili.

Ang cafe na ang magpapadala ng mga ito sa international mail sa petsa na napili ng customer.

Nagkakahalaga ito ng 5,000 Korean won o mahigit P200.--Jamil Santos/FRJ, GMA News