Maiibsan ang pagiging heartbroken o bitter ng ilang single ngayong Valentine’s Day dahil ang dalawang zoo sa Amerika, may alok na ipangalan ang mga insekto at daga sa kanilang ex saka ito ipapakain sa mga hayop.
 
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing inilunsad ng Lehigh Valley Zoo sa Pennsylvania ang kanilang “Bug Off” campaign.

Sa halagang $5, makatutulong na ang isang heartbroken dahil maaari niyang ipangalan sa ex ang isang kuliglig na magsisilbing pakain sa ilang hayop sa zoo.
 
“Cry Me A Cockroach” naman ang pakulo ng San Antonio Zoo sa Texas sa Araw ng mga Puso.
 
Bilang donasyon, maaaring bumili ng gulay, ipis o rodent na puwede ring pangalanan bago ipakain sa mga hayop.
 
May kasama pa itong video na ipinapakain ang mga ito kasabay ng Valentine’s Day card. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News