Opisyal nang inanunsiyo ng mga mananaliksik ang nadiskubreng bagong species ng octopus na unang nakita noon pang 2015.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing kular asul at deep purple ang octopus na kasinglaki lang ng golf ball.
Unang naispatan ng mga scientist ang naturang octopus noong 2015 sa isang deep sea expedition malapit sa Galapagos island sa Equador.
Dumaan ito sa masusing pag-aaral sa isang museum sa Chicago sa Amerika bago opisyal na inanunsiyo na isa nga itong bagong species ng octopus.
Pinangalanan ang maliit na bagong tuklas na octopus na Microeledone Galapagensis. – FRJ GMA News
