ADVERTISEMENT
Filtered By: Cbb
Community Bulletin Board
Kikomachine 9 para sa tag-araw: 'Ilayo mo Kami sa Apoy ng Impyerno!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dahil walang takas mula sa init ng tag-araw. Dahil masyadong short term ang hatid na relief ng samu't saring bottomless iced tea, sweet tea, milk tea, o bottled tea.
Dahil we just wanna be at the beach ang peg araw-araw, day in, day out at imahinasyon lang ang makakapagdala sa'min sa Boracy o Palawan o El Nido. (Ni Batangas hindi kami makaluwas.)
Dahil sa araw-araw na commute, walang anting-anting panlaban sa hilo't antok, gutom, pawis, at yamot. Dahil nawawalan na ng pag-asang darating ang panahon na mababawasan ang matinding trapik sa Metro Manila. Dapat stand-still Manila.
Iisa ang panalangin ng buong sambayanan: Lord, Diyos ko, Kung Sino Mang Nakikinig, ilayo mo kami sa Apoy ng Impyerno!
Habang nagtatago mula sa init at inis, habang nagpapalamig at tumatambay sa mall, sana'y hindi niyo makalimutang dayuhin ang National Book Store, Pandayan, Fully Booked, at Bibliarch o kaya mag log-on sa Lazada.com para sa Kikomachine 9. Hanapin na rin ang Kikomachine 1 hanggang 8! Meron 'yan, pramis!
Dahil, sa ganitong buhay, ang tanging papawi sa init ng ulo, sa highblood, at sa heatstroke ay having a sense of humor. Press release and photo from Visprint, Inc.
More Videos
Most Popular