ADVERTISEMENT

Lifestyle

Marian Rivera and Dingdong Dantes produce video poetry dedicated to moms

For Mother's Day, Marian Rivera and Dingdong Dantes prepared something special for moms, to commend them and appreciate the little things they do for their children.

On Instagram, Marian posted the video starring herself doing mommy duties as she read the poem written by Yan Yuzon, entitled "Maliit Na Bagay." 

Directed by Dingdong, the video depicted the little but important things mothers do for their children. It's all very touching.

The video also starred the Kapuso couple's children Zia and Ziggy walking up to their mother Marian as they reached out for her hand.

"Para sa mga nanay," a message read at the latter part of the video.

 

 
 
 
 

ADVERTISEMENT

 
 
 
 
 
 
 
 
 

MALIIT NA BAGAY (ni Yan Yuzon) Ang aking mga kamay ay sanay Sa paggawa ng maliit na bagay. Ang pagpagpag? Pagtupi? Paghain ng agahan? 'Sus. Maliit na bagay! Ang pagkusot, pagpiga, Pagbanlaw at pagsampay-- Naman. Maliit na bagay! Walang pansing hinihingi. Walang singil na kabayaran. Bukal sa aking kalooban. Naghahangad lamang magbigay-- Ng maliit na bagay. Pagsaing. Paghalo. Paggisa. Pagtimpla. Paghiwa, pagtadtad, pagsigang, paglaga, pag-adobo, pag-tinola, pag-menudo, pag-kaldereta... At marami pang iba. Wala namang mahirap diyan. Kayang kaya ni Nanay. Hindi ba't sabi ko ako'y sanay Sa maliit na bagay? Pagwalis at paglampaso. Pagligpit ng laruan. Pagpalit ng damit sa tuwing ika'y papawisan. Pagturo sa bawat letra nang magsanay kang bumasa. Paghatid ng tubig sa tuwing ika'y nauuhaw. Pag-angat sa iyong kumot tuwing ika'y giniginaw. Paghaplos sa iyong pisngi Habang pikit ang iyong mata, Kung maaari lang hanggang sa panag-inip mo'y Aalagaan kita. Maliit na bagay-- Ngunit saan nagmumula? Sa pag-ibig na sa lawak ay higit pa sa daigdig. Malalim pa sa dagat at mataas pa sa langit. Misteryo nga kung paanong ang pag-ibig ay naisiksik, Sa puso kong munti na halos manakit-- Sa ubod ng laking pag-ibig! Hindi nababasa ang isip. At dinig lamang ang salita. Pero damang-dama ang gawa-- Ng aking mga kamay. Mga kamay na sanay-- Sa maliit na bagay. @yanyuzon @munkeymusic @evan.aranas #KapitNanay

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes ???????? (@marianrivera) on

 

— Jannielyn Ann Bigtas/LA, GMA News