ADVERTISEMENT

News

Biyahe ng Pasig River ferry limitado na rin —PRFS management

Bukod sa LRT Line 2,  limitado rin ang operasyon ng Pasig River Ferry sa gitna ng patuloy na tumitinding prolema sa trapiko sa Metro Manila.

Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkules ng umanga na dalawang ferry boats malang ang gumagana sa ngayon.

Nabarahan umano ng water hyacinth ang mga propeller ng tatlong iba pang ferry boats kaya hindi muna magagamit ang mga ito.

ADVERTISEMENT

Dagaga pa nito, ang dalawang 16-seater na ferry, hindi kayang bumiyahe nang malayo, kaya tatlong istasyon ang hindi nadadaanan.

Sisikapin umano ng pamunuan ng Pasig River Ferry Service (PRFS) na maiayos at agad na magamit ang tatlong bangka nitong araw ng Miyerkules. —LBG, GMA News