Filtered By: News
News

The full aired version of controversial GMA News flood report



For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV The video above is the full 24 Oras story about the Quezon City flood of August 2 that contained an interview with motorist Christopher Lao, who had the misfortune of driving his car into a flooded street. The full story by reporter Jun Veneracion also featured other mishaps, including an ambulance and armored cars that likewise stalled in flooded streets. The report sought to highlight the hazards of traveling through a flooded metropolis. What was uploaded on YouTube by a viewer and shared widely was a much shorter version of the report, which took out of context the interview with Mr. Lao who pointed out to the reporter the absence of signage and warnings about the depth of the flood. GMA News did not shorten the report for YouTube. The transcript of the report below: 24 Oras August 2, 2011 Anchor: Mel Tiangco Reporter: Jun Veneracion Running time: 04 mins. and 55 secs. MEL TIANGCO: Mabilis din binaha ang ilang bahagi ng Quezon City. At kabilang sa mga nakatawag ng pansin ng aming news team, ang isang kotse na sumuong sa malalim na baha kaya ayun naku lumutang. Mula sa Quezon City live si Jun Veneracion. Jun… JUN VENERACION: Mel, wala nang baha dito sa bahagi ng kanto ng Araneta Avenue at E. Rodriguez Ave. dito nga sa lungsod ng Quezon. ‘Di katulad kanina na tanghali at umaga kung saan hindi ito madaanan ng mga maliliit na uri ng sasakyan, at sa aming pag-iikot nga Mel ay nakita din namin ang ibang bahagi ng Quezon City na lubog sa baha. VOICEOVER of JUN (video: flooded street in Quezon City): Mataas na ang baha sa bahaging ito ng Mother Ignacia St. nang mapadaan kami kaninang umaga. Kaya ganoon nalang ang pagtataka namin at ng mga tao sa kalsada ng bigla na lamang lumusong ang sasakyang ito. Walang kalaban-laban ang kotse sa taas ng baha. Pagbaba ng driver ng kotse, gubyerno ang kanyang sinisi. CHRISTOPHER LAO: I think this is a problem with traffic enforcers as well, for example the MMDA, because they should have already blocked the road. JUN: Pati kami at iba pang tao sa lugar sinisi rin ng driver. JUN: Hindi mo alam na gano’n siya kalalim? CHRISTOPHER: Wala, kasi tignan mo oh… who will tell you? Who will tell me? Really, did you guys even tell me? JUN: Well, andito kami e.. CHRISTOPHER: E sino ba ‘yung nandoon? JUN: Nandito kami eh, na-surprise nga kami nang biglang pinasok mo eh... CHRISTOPHER: Eh sino ‘yung mga nando’n sa side na ‘yun? Did anyone tell? Wala eh, nobody even stopped, nobody informed. It’s like people were waiting for somebody to just do that. JUN: Pero hindi mo ba narealize na baka malalim? CHRISTOPHER: Why do you… why do… bakit ako? Di ba? (Laugh) JUN: Ang lalim… CHRISTOPHER: Dapat i-inform, iinform, I should have been informed. ‘Yun lang ‘yun. VOICEOVER of JUN: Sa dami ng tubig na pumasok sa kanyang sasakyan, siguradong gagastos siya para muli itong umandar. Sa Gumamela St. Roxas District, muntik nang umapaw ang creek, biglang tumaas ang baha sa katabing komunidad, pero hindi napigil ang mga residenteng tumuloy sa kani-kanilang lakad. Buti nalang may libreng sakay sa improvised bangka ng barangay, pero kailangan pa ding manulay bago marating ang tuyong kalsada. RESIDENTE: Kinabahan nga po ako eh baka po kasi may patay. (Laugh) VO of JUN: Ang mga batang ito naman na nasuspinde ang klase ngayong araw, ginagawang swimming pool ang creek, ‘di alintana ang peligro ng mapanganib nilang laro. Isa ito sa mga pinaka-mababang kalsada dito sa kahabaan ng Araneta Avenue, Quezon City, kaya naman kapag bumubuhos ang ulan, ganoon nalang kabilis ang pagtaas ng tubig baha rito. Kaya sa ganitong pagkakataon, mga truck lang o matataas na uri ng sasakyan ang puwedeng makadaan dito. Pero pati ang ilang truck hindi kinaya ang baha, pati nga ang armored vehicle na ito bumigay din ang makina, kinailangan pang magpadala ng isang armored van para paglipatan ng mga karga nito. Nagkabuhol-buhol din ang trapik, lalo na ng magdeklara ang palasyo ng suspensyon ng klase sa kolehiyo at pauwiin ang mga taga-gubyerno. At gaya ng naunang reklamo ng driver ng tumirik na sasakyan sa Mother Ignacia, inireklamo rin ng mga motorista ang kawalan ng mga traffic enforcer para gumabay sa kanila sa pag-iwas sa mga bahang kalsada. DRIVER 1: E wala namang advisory ’dun at para hindi na kami pumasok sana. JUN: Wala kang nakitang enforcer? DRIVER 1: Wala. Nakatago silang lahat sa gilid dun. DRIVER 2: Wala e, yung mga enforcer nando’n lahat sa gitna eh… VO of JUN: Pati ang nagmamadaling ambulansyang ito, naipit din sa traffic. Pero ang tag-ulan grasya ang dala para sa ilan. Kung dati sa kalye sila nangangalakal ng plastic, ngayon sa ilog na sila nangungolekta kasabay ng pagtaas ng tubig. Fifteen pesos kada kilo ang bentahan ng plastic na nasisid nila mula sa ilog. Pero para sa driver ng kotseng ito, ang ulan at baha perhuwisyo at sakit sa ulo. JUN: Mel ah, umaambon nalang ngayon dito sa bahaging ito ng Araneta Ave. Kaya naman maayos na maayos na ang daloy ng trapiko dito, Mel. MEL: Pero Jun siguro maganda din na pakialaman ng mga barangay officials, kasi sila ang nakakaalam kung aling kalsada sa lugar nila ang malalalim eh... di ba? Tama din naman ’yung suggestion ng mga motorista. JUN: Oo Mel, napansin din namin kanina na meron din namang mga nagkukusang-loob, mga residente na nagga-guide dito sa area na ito, para huwag papasukin ’yung mga sasakyan sa mga area na may mga baha. Kaya nga kanina nakita natin, nagkabuhol-buhol ang trapiko dito, at mayroon pa ngang ambulansya na mayroong sakay na pasyente na muntik nang maipit sa daloy ng trapiko dito, Mel. MEL: Naku, maraming salamt sa’yo Jun Veneracion - GMA News
LOADING CONTENT