advertisement
Filtered By: News
News

TRANSCRIPT: Second Leg of PiliPinas Debates 2016 in Cebu


 

FIRST ROUND

QUESTION FOR GRACE POE

Ed Lingao: Bilang chairperson din ng komite na nagsulong ng Freedom of Information Bill (FOI) doon sa Senado, ano po ang dahilan kung bakit namatay ang FOI sa administrasyon ni Pangulong Aquino? At kung titingnan po ninyo sa paligid ninyo yung mga karibal ninyo sa puwesto sa entablado ngayon, sino po sa tingin ninyo sa kanila ang haharang o susulong ng tunay na FOI?

Grace Poe: Kaya po hindi natuloy ang Freedom of Information ay hindi dahil sa amin sa Senado, sapagkat walong buwan pa lamang ng ika-16 na Kongreso napasa na namin ito, at matibay po ang Freedom of Information na ipinasa namin sa Senado. Ka-debate po natin diyan si Senator Miriam (Defensor-Santiago), si Senator (Juan Ponce) Enrile, at iba pang mga beterano sa Senado ngunit napasa natin ito. Nagbibigay ito ng armas sa ating mga kababayan para mabusisi ang mga dokumento ng gobyerno para hindi na mangyari muli yung nangyari sa PDAF (Priority Development Assistance Fund). Ngayon, kaya hindi ito nakapasa sapagkat hindi po ito pumasa sa Kongreso rin, at nangyari yon sapagkat maski na sinasabi nila na ito ay prayoridad ng administrasyon, hindi po natin nararamdaman na tunay nila itong itinutulak. Para sa akin, ayoko na lang sabihin kung sino dito ang haharang, pero sigurado ako na mayroong haharang sa mga kasama ko.

Luchi Cruz-Valdes: Nais nyo po bang mag-react Secretary Mar?

Mar Roxas:  Ako ba yung tinutukoy niyo? Kabahagi po ako ng Daang Matuwid na koalisyon. Tama po ang sinabi ni Senadora Grace na pumasa ito sa Senado pero hindi ito pumasa sa Kamara de Representante. May mga mabibigat na dahilan kung bakit tinutulan ito ng mga kongresista, at yan ang pinag-debatehan sa floor. May iba't-ibang bersyon na inihain ngunit hindi ito naging matagumpay. Pag ako'y naging pangulo, ipapasa ko isang matibay na FOI para malaman ng sambayanan kung ano ang nangyayari sa kanilang gobyerno.

Valdes: Nang wala pong right of reply Secretary Mar? Dahil natatandaan po namin na sa isa pong forum ay nasabi nyo na dapat ay may kalakip na right of reply.

Roxas:  Hindi po, Luchi. Sinabi ko sa forum doon, ay ini-report ko sa iyo na yan ang pagtutol ng mga miyembro ng Kamara de Representante. Hindi po ako ang naghain po noon.

Valdes: Mayor Duterte, gusto nyo po bang ma-react sa sagot ni Senadora Grace Poe?

Rodrigo Duterte: I and Senator Cayetano signed a waiver of our bank secrecy law. You can pry into what, ano pa bang maipakita ko sa inyo? Freedom of Information actually is pera yan. Yung ninanakaw sa gobyerno, kung saan napunta.

Valdes: VP Binay? Ang inyong reaction?

Jejomar Binay: Alam ho ninyo napakatagal na nakabinbin sa Kongreso itong FOI na ito e. Ako ho pagka naging pangulo, sa lalong madaling panahon, mag-i-issue po ako ng executive order, dun po yung Freedom of Information. 

Valdes: Senator Poe, nais nyo po bang sumagot?

Poe: Maganda sanang pakinggan 'yon, subalit mawalang-galang na po VP Binay, marami po kaming mga katanungan sa inyo na hindi naman din ninyo nasasagot sa Senado. Paano naman kami maniniwala na susuportahan ninyo ang tunay na Freedom of Information?

Binay: Alam mo, senadora, lagi ho kayong dapat magbibigay ng.... Magtiwala po kayo. Uulitin ko po, ako ho, man of action ako e. Kaya ho ako napamahal sa Makati kasi lahat ng pinapangako ko nangyayari.  Pangako ko po, sa lalong madaling panahon, pagkasumpa ko bilang pangulo, palalabasin ko po ang Freedom of Information.

Poe: Ms. Luchi, nasa kalidad po ng Freedom of Information. Puwede tayong magpasa ng Freedom of Information pero malabnaw. Ang gusto ko ang bersyon namin sapagkat nakalagay doon mismo pati yung statement of assets and liabilities ng mga barangay chairman. Importante po na lahat, mula sa ibaba, hanggang itaas ay may pananagutan sa ating bansa.

Valdes: Mayor?

Binay: Alam ho ninyo, Luchi, kailangan ho itong Freedom of Information. Ito ho ang sagot sa graft and corruption e. Transparency. Huwag na ho natin... lahat yung mga deba-debate pa o ano.... FOI, Freedom of Information, sa executive department ay i-implement ko po yan.

Valdes: Senator Poe gusto niyo po bang sagutin ang reaction na yan?

Poe: So gusto po ba ninyo mag-sign ngayon ng bank waiver sa inyong mga accounts?

Binay: Aba, ako nga ho ay.... Ito nga isa sa dokumento ko hong dala-dala dito e at pinirmahan ko na ho ito. Yayakagin ko kayong tatlo na pirmahan natin ho, waiver ho, e yung AMLA na tayo ho ay imbestigahin para makita ho yung mga lifestyle at saka executive performance natin.

Valdes:  Mayor Duterte?

Duterte: We signed a waiver to... we waive our rights so that anybody can, I said, look into bank accounts.

Valdes: Kayo rin po?

Duterte: If I were the president, Day One, I will ask everybody to cooperate. And just... Nandiyan na yung waiver mo, Vice President? Nandiyan na yung waiver mo?

Binay: Oo, nandito na. Yon na nga, kaya gusto ko nga may dokumentong ipipresenta e...

Duterte: Nakakatakot.... Halika ipirmahan ko diyan sa harap po.

Valdes: With all due respect sa inyo Mr. VP, the Comelec has ruled and we would like to abide by the rules of the Comelec that there will be no notes allowed during this debate. Mawalang galang na po. Ako po ay humihingi ng paumanhin publicly kay Mr. Vice President kasi kami po ang nagbigay pahintulot po sa kanila na magdala ng notes. Yan rin po ang dahilan kung bakit naantala po ang pagsisimula nitong debateng ito. Pero sa puntong ito po Mr. Vice President, with all due respect, I have to tell you, we will abide by the Comelec rules that there will be no notes during this debate.

Binay: Pero Luchi, hinihingi ni Mayor Duterte eh. O e di ibibigay ko sa kanya.

Valdes: With the permission of... pinapakita lang daw po ang waiver.

Roxas: Palagay ko sundin na lang natin ang Comelec. Yan ang patakaran, hindi ba? Kung ang bawat isa sa atin ay nais pumirma ng kahit anong waiver matapos ito ay sa labas po pwede nating ipakita kung anong waiver ang pipirmahan natin.

Valdes: Mr. VP, we will take you at your word right now or not, it's up to our audience. But we cannot allow the notes. Please, respectfully....

Binay: It's not a note. It's a document, excuse me.

Valdes: Even the documents sir. Because the Comelec rules do not allow for the documents.

Binay: You know when you say notes, something which you are reading. But after all, Mayor Duterte, hinihintay. Ilalabas ko lang. Saglit lang.

Valdes: Pinapahintulitan po ni Mayor Duterte na ipakita....

Duterte: I'd like to be very, very brutally frank to the Vice President. Sir, marami kang kaso sa COA pati sa Ombudsman. Public knowledge naman yan. At ako naman ay sinasabi ng UNA na there's a technical malversation. Mga technical malversation. Ang tanong ko, if you can produce even.... Can I have an extension? Pirmahan namin yan, tapos kung may kaso ako, we will withdraw from the presidency derby.

Valdes: Maraming salamat po, Mayor Duterte. Ang sagot nyo po Mr VP.

Binay: Alam mo yung sinabi mo Digong ay mag-withdraw sa presidency. Eh, kaso ang premise mo ay yung may kasalanan, mag-withdraw.

Duterte: Hindi, wala pa tayong kasalanan.

Binay: Ako, right now, hindi ako nagnakaw. Wala akong kuwan.... So bakit ako magwi-withdraw? Kung ikaw, sa konsyensya mo, may kasalanan ka, o di mag-withdraw ka.

Duterte: O di kaya dahil malaki na ang gastos mo?

Valdes: Maraming salamat po. Tayo po ay tutungo na sa susunod na tanong. Ang susunod na katanungan ay manggagaling kay Lourd De Veyra. Lourd?

QUESTION FOR JEJOMAR BINAY

Lourd de Veyra: Ang tanong ko po ay para kay Vice President Binay. Sir, kayo po ay pinasasampahan ng Ombudsman ng mga kasong kriminal. Ang inyong anak na si Junjun ay nasampahan na po. Kung tutuusin po kasi ay pareho lang kayo ng kaso ang kaibahan lang po ay kayo po ay may immunity. Kung sakaling ma-convict po si Junjun Binay kung kayo po ay pangulo na, ano po ang gagawin po ninyo, sir?

Binay: Mabuti at nabanggit mo yung bahagi ng convict ano ha.... Eh yun eh hanggang ngayon nandon pa rin sa stage ng bintang ano ha which is pagka na-convict, o di parusahan. Eh yun ang conviction eh. Kaya lang yung bintang, hindi ho yon ang conviction. Kailangan ho para maging totoo, alam mo Lourds pagka sinabi, Lourds ikaw eh corrupt, bintang yon. Para masabing ikaw ay corrupt, kailangan may hatol ang hukuman na ikaw ay corrupt. Okay? So uulitin ko sa iyo ha at ako naman ay abogado rin, sa Diyos at sa tao, walang kasalanan ang anak ko, pero kung ano man ang desisyon, susundin natin. We must be a government with a rule of law. (applause)

Valdes: Meron po bang gustong mag-react sa naging sagot ni VP Binay sa kanyang katanungan?

Duterte: It's a sad story. I'm on the verge of tears. I will not answer.

Poe: Ang sa akin Ms. Luchi ay ganito. Rule of law pero meron din tayong mga rules ngayon na dapat ay sinunod. Siguro maganda sanang pahiwatig ang paggalang din sa batas at paggalang rin sa mga naging regulasyon ng pagdebate na ito. Bigyan na natin ng benefit of the doubt ang ating mayor. Siguro nga mali mayor ang nasabi ninyo sa kanya. Pero para sa akin importante na sana nakadalo siya sa Senado para mag-esplika rin ng kanyang punto kung wala naman talagang tinatago.

Binay: Alam mo Madam Senator, pinag-uusapan natin ang rule of law ha, eh lagi mong sinasasabi na ikaw eh, bakit ho?  (Binay takes piece of paper from his envelope.) Wala pa naman akong ano ah. Lagi mong sinasabi na ikaw ay tunay na Pilipino.

Poe: Oho.

Binay: Paano mo masasabi na ikaw ay tunay na Pilipino eh sumumpa ka na maging Amerikano? At yung mag-a-abjure ka, ikinahihiya mo ang pinanggalingan mo at meron ka pang ah....

Poe: Papano mo masasabi na ikinahihiya? Unang-una ilang milyon ang ating mga  kababayan na nakatira sa ibang bansa. May batas tayo na RA 9225 na kinikilala ang ating mga kababayan na nakatira sa ibang  bansa, namuhay ng marangal pero hindi nawala ang pagmamahal sa bayan. Ang pagiging malayo sa bayan ay nakakapangulila pa nga. Sinabi mo na ikaw ang No. 1 na nagsasabi na pinoprotektahan mo ang OFWs tapos sasabihin mo na isang nakatira sa ibang bansa ay hindi na pwedeng bumalik dito para manilbihan?

Binay: Madam Senator hindi ho kayo OFW.

Poe: Hindi ko sinasabi na ako ay OFW.

Binay: Ang sinasabi ko....

Poe: Pero ang sinasabi ko "naninirahan sa ibang bansa." Ngayon, ang mga Pilipinong nanirahan sa ibang bansa, bumabalik dito para manilbihan. Hindi na ba sila pwede? Bakit tayo nagpasa ng batas na 9225 na sinasabi mo rule of law?! Hindi ba rule of law din yan? Alam nyo Mayor Binay, hindi lang po sa kulay yan.

Binay: Hindi ho.

Poe: Nasa pagmamahal din yan. Nandito ka nga sa bansa pero nangulimbat ka naman ng pera.

Binay: Kita mo. Ikaw, eh sama-sama kayo.

Poe: Sama-sama sa?

Binay: Conspiracy. Sa conspiracy to demolish my person.

Poe: Ikaw may pera, may makinarya.

Binay: Basta ikaw hindi ka tunay na Pilipino, ikinahihiya mo, sinabi mo sa.... When you took your oath of allegiance for you to be naturalized as an American citizen ay, "I abjure!" Ikinahihiya ko ang pinanggalingan ko.

Poe: Mayor Binay, ikaw mismo ang nandito nung bumalik ako dahil namayapa ang aking tatay. Ang administrasyon ay laban sa amin pero ako ay bumalik dito. Tinatayang higit 10 milyong mga Pilipino ang nakatira sa ibang bansa at marami doon ay may dual citizenship. Hindi nila ikinahihiya ang kanilang bansa pero gusto nilang mabuhay nang marangal at hindi manatili dito na walang oportunidad. Kaya ako tumatakbo para magkaroon ng oportunidad at hindi manatili dito kahit walang oportunidad at magnakaw lamang.

Binay: Ang isyu ay ikaw ba ay tunay na Pilipino? Ikinahiya mo nga, ikinahiya mo. Ladies and gentlemen, yung oath of allegiance na nandoon ang i-abjure and what is the meaning of abjure? Ikinahihiya ko ang lahat ng pinanggalingan ko. Ikinahihiya ko ang pagka-Pilipino ko.

Poe:  Mayor, Mayor, teka muna, o sabihin mo sa akin, bakit si....

Valdes: I think nasagot na po nang sapat ang katanungan.

Poe: Nanatili ka nga sa bayan natin pero ikaw naman ay nangulimbat at nagnakaw. Ano ang kaibahan n'on? Malaki ang kaibahan. Nandito. Kung nanirahan ka sa ibang bansa, hindi lang yan, OFW. OFW, overseas fighting Filipino workers or overseas fighting Filipinos.

Binay: Madam Senator, kung magbintang ka parang ako ay nahatulan na.

Poe: Ikaw ba yung sinasabi kong nangungulimbat? Sinabi ko lang naman, sinabi ko lang naman, ikaw ang nagsabi na ikinahihiya ko ang aking pagiging Pilipino?

Valdez: Ititigil na po....

Poe: Ang sinasabi ko lang naman, ikaw ay umalis, nagtrabaho nang tapat kesa naman nanatili ka dito, umasa sa mga magulang mo at nangulimbat lamang ng pera. Hindi ko sinasabing kayo yon dahil naniniwala ako sa due process. Pakinggan natin po ang inyong kaso.

Binay [reading notes]: I hereby declare on oath that I absolutely and entirely renounce and abjure all allegiance and fidelity ha....

Valdes: We will have to move on to the next question. Because there are questions for the other candidates. Next question please.

Duterte: Wag nyo na lang akong isali.

Roxas: O enjoy 'to. Mataas ang rating nyo dito.

Valdes: Amy?

QUESTION FOR RODRIGO DUTERTE

Amy Pamintuan: Ang tanong ko po ay para kay Mayor Duterte. Medyo lumayo tayo sandali sa mainit na topic. Nag-commit po ang Pilipinas sa United Nations na babawasan natin ang polusyon nang hanggang 70 percent by 2030. Pero inaprubahan ni Presidente Aquino ang maraming coal-fired plants para sa energy security natin. Paano natin matutupad ang ating commitment sa UN habang tumataas naman ang dependence natin a coal para sa ating energy security?

Duterte: I will answer you with this. Tayo, ma'am, we are told to comply but the industrial countries do not. We only  contribute point-zero-zero-something to carbon footprints in this planet. Sila ang hindi involved,  sila ang ayaw e. Tayo, they (want) us to obey. It is not fair. I'm not saying that coal is right but I'm just saying, what I'm saying itong United Nations and industrial countries are hypocrites. Gusto nila e di bayaran nila tayo, or they supply us with hydro, solar. Mahal yan. Ngayon kung idinadamay nila tayo at sila naman ang ayaw maniwala and yet itong United Nations... hypocrisy because they cannot  enforce sanctions against those who are violating, every day they are sprouting so many power plants. We only contribute a certain... to carbon footprints so very little and yet we are a growing country,  we need to industrialize. We need energy. Ang sabi ko susunod tayo. Climate change does not have to be discussed. It is here. El Nino is the climate change. Kaya nga yung mga lupa kahit saan-saan ay cracking. Even in Luzon. That's pollution. Yung climate change is already there. What we should do is remedial measure. Pero wag lang tayo, we have noticed that those who are really into heavy industries are the first world countries. That is my objection to them. Pure  hypocrisy. Inaano tayo, tapos they come here and nagyawyaw, about.... And yet they cannot even suggest to their own governent to stop it. Bahala na. Sobra na yan.

Valdes: Ang unang bell po ay ten-second mark so you have ten more seconds after the first bell. Secretary Mar, you would like to react? Did you want to react?

Roxas: Napakahalaga na simulan natin ang transition towards clean energy dahil tayo isa sa pinakatinatamaan ng epekto ng global warming. Lahat itong mga bagyo, 20, 25 sa bawat taon na humahampas sa ating bansa na naghahatid ng hirap ng pagsalanta ng crops, mga bahay. Lahat yan ay dahil dito sa global warming. Importante na simulan natin ang pagtungo sa clean energy.

Valdes: Si Mayor Rodrigo po muna ang sasagot.

Duterte: Yes. Ganito yan ma'am. Al Gore came here, talked about the environment, climate change.  Bakit hindi niya makumbinsi yung bansa niya? Why they cannot go to China and say stop it? Why are they come here telling us what to do when as a matter of fact we need energy to develop? We are just a developing nation.

Poe: Ms. Luchi, ang sa tingin ko na dapat nating gawin ay ilikas ang 13,600,000 na residente dun sa mga high risk areas. Yun ang una. Prevention. Pangalawa, isipin natin ang mga magsasaka natin, tama ang sinabi ni Mayor Duterte, drought ngayon, kailangan natin ng drought resistant na mga pananim para naman patuloy ang buhay nila. Kailangan tayo magkaroon ng mga dams, mga water entrapment facilities, mga flood control projects para naman maligtas natin ang ating mga kababayan.

Roxas: Luchi.

Valdes: Secretary.

Roxas: Lahat itong mga bagay na sinabi ni Senadora Grace ay mitigation. Kumbaga, papano mabawasan ang impact sa atin. Ang punto dito ay nangangailangan tayo ng energy. 'Pag ako'y ay naging Pangulo, bibigyan ko ng insentibo yung natural gas yung iba pang clean energy  tulad ng geo , tulad ng hydro para 'yung ating energy, mix, which right now is 50 percent coal and oil, ay mabawasan nang sa ganun mas maraming malinis na energy ang gagamitin natin.

Poe: Dahil nabanggit niya ang aking pangalan, ako ay naniniwala sa sinabi niya subalit kailangan maayos din ang ating plano. Yung ating solar energy ay importante. Yung wind energy, malaking potential nasa 70,000 megawatts ang madadagdag. Pati na rin ang hydro na at least 30,000 megawatts sa Mindanao pa lamang. Pero dapat mabilis rin ang pagkilos ng isang lider. Hindi pwedeng plano lamang.

Roxas: Ang importante dito Luchi ay itong mga insentiba na ito, ang nabanggit po na mga energy sources na nasabi tulad ng solar, at ng wind ay nasa P8-P8.50 per kilowatt hour. Yung natural gas ay nasa P3.50-P3.80 hanggang P4 per kilowatt hour. Hindi natin gusto na maging masyadong mahal ang ating kuryente dahil papano naman ang mga trabaho na malilikha sa ating industrialization.

Valdes: The VP would like to give his reaction.

Binay: Masarap pong pakinggan ang sinasabi ni Mr. Roxas. Pag ako ang pangulo, ganito ang gagawin ko. Ito panahon ng mga pangako. Magaganda ang sasabihin kaya lang  may kapabilidad ba na magiging mabilis at mangyayari ba? E, si Mr. Roxas guilty of  analysis by paralysis. He can never make a decision right away.

Roxas: Talaga ho mabagal ho ako gumalaw at hindi ako gumagalaw pag pagnanakaw ang pinag-uusapan. Hindi po ako magnanakaw. Ang importante po sa aking mga panunungkulan, kumilos po tayo nang maagap, nang mabilis at epektibo.

Binay: Mr. Roxas....

Roxas: Excuse me, oras ko po ito. Sabi mo rules-based. Duon tayo sa rules.

Binay: Okay.

Roxas: Duon po tayo ano. Sa aking panunungkulan sa lahat ng ahensiya, lahat ng aking track record ay malinaw, effective, may accomplishment, at nakatulong sa ating mga kababayan.

Binay: Mr. Roxas, tinuturo ka ni Mr. Vitangcol. Nagnakaw ka doon sa MRT, ano ba?

Roxas: Hindi po tutuo yan.

Binay: Yun naman pala e. Kita mo. Hindi tutuo. Paano bintang ba? O ikaw kung magsalita magnanakaw, nasa bintang rin lang. Alam mo Mr. Roxas, ikaw ay talagang disipulo ka ni (Joseph) Goebbels. Yun bang 1,000 lies ay ultimately ay maniniwala ang tao na tutuo. Ikaw yun ang disipulo nun.

Roxas: Kilala po ninyo si Goebbels dahil binabasa po niyo siya at sinusunod po niyo siya. Ang hindi ko po kilala yan. Ang punto po dito....

Binay: Wow....

Roxas: Wala po. Oras ko po ito....

Binay: Okay.

Roxas: Wala pong kinalaman si Mar Roxas sa kahit anong katiwalian na naganap dyan sa MRT na yan. Ang importante ay malaman natin ang katotohanan ay si Mr. Vitangcol ay natanggal sa pwesto dahil tiyo niya ang kabahagi ng mga nag-bid dyan sa mga kontrata habang siya ay nanungkulan sa MRT.

Binay: Tinuro ka rin ng ambassador na kasama ka sa pagnanakaw daw sa MRT.

Roxas: Naku, hindi po totoo yan. Wala pong...

Valdes: Wala na po tayong mareresolba dyan sa topic na yan dahil yan po ay para sa korte na lang po. Unless meron pong last answer po si Mayor Duterte, balik po tayo dun sa issue ng coal-fire at ng climate change.

Duterte: Well, I've said enough. This cannot really be solved by just talking here, you need somebody in Malacanang to just do it. Yan kailangan dito e. At all cost, alam mo ang paano dito sa Pilipinas, is monopoly. Buksan mo yang Pilipinas for all power players, magmumura ang electricity, I guarantee you.

Poe: Talaga. Ang importante malinis pero importante abot kaya sa ating mga kababayan. Hindi pwedeng  napakapataas ang kuryente, kailangan talaga ay mababaan na natin ito.

Valdes: We can now move on to the.... Secretary Mar?

Roxas: Bilang Pangulo ay bubuksan ko ang EPIRA law. Ang EPIRA law ang siyang naglilimita sa kilos ng gobyerno sa paglikha ng kuryente sa ating bansa. Ako pabor ako na buksan muli ang EPIRA law para hayaan ang pamahalaan na mag-finance, hindi na magpatayo, hindi na bibili, hindi na mago-operate pero magfinance ng mga power plants sa ating bansa para dumami ang mga power dito, bumaba sa pamamagitan ng kompetisyon ang kuryente sa ating bansa. Yan malinaw na plano, malinaw na gagawin.

Valdes: Okay. We should now have the last word on power, and particularly climate change and coal fire.

Poe: Maaring i-review natin ang EPIRA law pero kung pare-pareho pa rin ang mga pamilya na mamumuhunan sa ating bansa, monopolya pa rin. Buksan talaga natin para sa ibang namumuhunan dito. Basta lamang lilikha ito ng trabaho at produktibo para sa ating mga kababayan. Kaya ako kahit buksan mo yang EPIRA na yan, kung wala namang Charter change pagdating sa economic provisions, wala ring mangyayari.

QUESTION FOR MAR ROXAS

Valdes: Maraming salamat po, we shall now move on to the next question from Philippine Star editor and columnist Marichu Villanueva.

Villanueva: Ang aking ko pong katanungan ay para kay Secretary Roxas. Mr. Secretary, meron kaming tatlong bagay na kailangan sa inyo, ang plataporma po ninyo ay pangako na magpatuloy ang Daang Matuwid na kaya pag kayo ay naging pangulo. Ngayon po gusto malaman ng tao, paano maiiba ang inyong pamamahala kay Presidente Aquino? Maaari nyo po bang sabihin yung tatlong bagay na kung saan nagkulang o kaya ay nagkamali ang Aquino administration? At paano ang magiging strategies niyo para hindi na maulit ang mga pagkakamali at pagkukulang na ito?

Roxas: Ang Daang Matuwid ay isang proseso, isang step-by-step ito, parang gumagawa tayo ng isang gusali, sinimulan ni Pangulong PNoy ito sa pundasyon, paglinis sa pamamahala. Hindi pa tapos yan kaya kailangan ituloy ang ating laban sa korupsyon. Meron pa ring korupsyon, aminado tayo. Hindi pa nalilinis 100% pero malayo na ang narating natin diyan. May mga napakulong na tayo, may mga kaso na na-file at tuloy-tuloy ang paglitis dito sa mga korap na to. Pangalawa, tututukan ko ang pinakamahalaga sa ating kababayan -- pagkakakitaan, trabaho, hanapbuhay. Yan ang punto ng lahat ng gawain ng Daang Matuwid. Tinatanggal natin ang korupsyon para magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan, para ang mga serbisyo ay makaparating sa kanila ng buong-buo. Sinimulan natin ito sa pagbibigay natin ng sapat na edukasyon sa napakaraming mga tao na dati-rati ay hindi nakakatapos ng kanilang pag-aaral. Edukasyon bilang tulay sa isang mas magandang trabaho sa kinabukasan. Dadalhin natin ang pera ng gobyerno sa pinakaliblib na lugar. Yung ating BUB plus dadalhin natin sa bawat barangay, 100 bilyong piso ito, para yung frontline ay wala sa Malacanang, wala sa Manila, dadalhin natin ang frontline, ang ating laban kontra sa kahirapan sa mga ka-barangayan. Ang pera dadalhin natin sa ka-barangayan, dadalhin natin sa mga bayan, all 1,490 towns, all 42,000 barangays ay magkakaroon ng pondo para sila mismo ang makakapagsimula ng tulong sa kanilang kapaligiran para magkaroon ng trabaho, hanapbuhay lalo na sa ating mga magsasaka, mangingisda doon sa mga liblib at malalayong lugar. Itutuloy natin ang ating para sa imprastraktura na kung saan itong mga kalyeng ito na nagdadala ng mga produkto ng mga kababayan natin ay magawa para makarating sa pamilihan. Trabaho at pagkakakitaan ang ating gagawin.

Villanueva: Ano po yung gagawin niyo differently from the Aquino administration?

Valdes: Marichu, with all due respect, Mayor Duterte would like to react.

Duterte: Yes. Mar, we are friends.

Roxas: I thought so.

Duterte: We are not enemies.

Roxas: I thought so, yes.

Duterte: Your thought is right, I would just like to thank you for talking about my program more extensively.

Roxas: Which maybe you copied from me in one of our talks as friends.

Duterte: I'm willing to plagiarize but that was my original program, I wonder if you copied it.

Valdes:  Secretary Roxas? Any more reactions from the other candidates.

Roxas: Well... Tulad nung sinabi ko, 'no, itong BUB plus, ito ang pamamaraan, parang bibingka 'yan eh. Habang kumikilos ang nasa taas, yung national government, sa macro, sa mga policies ay dapat naman mayroon kumikilos sa baba, sa ating mga kabarangayan, sa ating mga bayan. Hindi natin malalaman lahat ng problema at lahat ng paglutas dito sa mga problemang ito. Sila ang mga nakatira doon, sila ang mga nakakaalam. Ang kailangan lang nila ay pondo para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Poe: Secretary Mar, maganda yung prinsipyo ng BUB, pero hindi ba sa BUB meron din mga menu kung ano lamang ang pwede nilang piliin na mga proyekto. Pangalawa, hindi ba kaduda-duda na nagkakaroon tayo ng BUB ngayon na malapit na ang eleksyon na parang nagiging insintibo sa local government na maging panig sa administrasyon ngayon?

Roxas: Senatora Grace, hindi po totoo yan, 2011 palang meron nang BUB. Sinimulan natin ito dahil nais natin dalhin ang development, ang capital expenditure sa pinakamalalayong lugar sa ating bansa. Kabahagi ito ng empowerment na bahagi ng programang Daang Matuwid, na kung saan, ini-empower natin, binibigyan natin ng kakayahan ang mga komunidad, ang mga pamayanan para sila mismo ang makatulong sa sarili nila, ang pera ay mapaparating natin sa kanila, walang kupit, walang kaltas, walang kickback.

Poe: Pero may menu?

Roxas: Ano ho?

Poe: May menu?

Roxas: May menu naman po, anong masama sa menu? Classroom, farm-to-market road, rural head unit, kasi hindi natin gusto na gagastusin nila ang pera para sa mga arko, welcome, thank you, come again. Eh diba sayang yung pera na yun.

Poe: Tama po pero..

Roxas: Ang gusto po natin ay malagay sa tama ang pag gastos nitong mga pera na ito.

Poe: Pero sinabi ninyo na alam nila pero meron din mga bagay na pwede nilang makita na hindi nila nailagay dito sa menu na ito. Maari po ba silang isama rin dito?

Roxas: Meron, meron pong proseso na kung meron silang nakikitang paraan para makalutas sa kanilang problema na hindi kasama doon sa menu ay nagagawa po yun. May proseso po yun.

Valdes: Mayor Duterte, you were going to react?

Duterte: Mar, you might want to add the phrase, "This is a recording."

Roxas: Alam niyo, paulit-ulit kong sinasabi ito dahil tunay akong naniniwala dito, ito ang aking gagawin, ito ang aking tututukan at ito ang mangyayari sakaling ako ay maging pangulo.

Valdes: VP Binay, nais niyo po bang sumama sa boses ng mga nagri-react sa kay Secretary Mar?

Duterte: Kami...? I thought it was a recording, that's why I suggested pa yung....

Valdes:  All right, so VP may reaction po ba kayo? We will pass if you don't have a reaction. All right, at sa puntong ito po ay natanong na po ang lahat ng ating pong kandidato, pero isang ikot pa lang po tayo. Unang bugso pa lamang po yan ng ating debate. Sa aming pagbabalik, mas paiinitin pa po natin ang balitaktakan ng ating mga kandidato, dyan lang po kayo magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016.

 

 

SECOND ROUND

QUESTION FOR JEJOMAR BINAY

Valdes: Nagbabalik po ang Pilipinas Debates 2016. At live pa rin po tayong napapanuod sa TV5, AksyonTV, at naka-livestream sa News5.com.ph at bilangpilipino.com. Ituloy na po natin ang pagtatanong ng mga panelista. At ang mga tanong na ito po ay may kinalaman sa income tax, infrastructure, Yolanda rehabilitation, at kalusugan. At ang magtatanong po ngayon ay ang Bloomberg anchor na si Tony Abad.

Tony Abad: My question is for Vice President Binay. Mr. Vice President, in your tax reform program, you said you were going to exempt taxpayers earning P30,000 a month or below. But you have also said that you would embark on a massive infrastructure and public spending program to make the Philippines like Makati. How do you reconcile a tax reform program with your massive infrastructure and public spending program?

Binay: In the first place, you are assuming, Tony, that there are no compensatory measures when we have to reduce or if we have... not to collect this income tax for P30,000 and below salaried employees. May compensatory measure naman yan Tony. For one, for one, do you know that we are losing P250 billion from agricultural smuggling? Do you know that yung mababa, mawawala yung income tax, yun naman gagastusin din ng tao? So pag ginastos yon, kikita naman yung mga negosyante. O, di magkakaroon din ng perang babalik. Isa pa, eh di kailangan, kung kailangan magbenta tayo ng mga government offices na dapat na mga ibenta na. Pero, I assure you, after all the amount involved when you do not collect the income tax for P30,000 and below salaried employees is just... it cannot create a dent in the budget itself. Andami nating savings. The government is guilty of underspending. May pera, trillions of pesos. That's what I cannot understand. You know, when I was in NEDA, NEDA, ba't hindi natin taasan ang suweldo ng mga empleyado? Sir, taon taon nag-aaway ho kami diyan, nagkaka-sigawan. Eh ang dami ho nating savings, savings, savings. This government wanted to be known as a government na maraming savings. Pero hindi yan ang trabaho ng government. Ang trabaho ng government, after all, sa GNP, kasama yung government consumption para makapagbigay ka ng dekalidad na serbisyo. Huwag kang matakot Tony, hindi mawawala ito.

Valdes: Secretary Mar, would you like to react to that, since he brought up the question about savings and underspending?

Roxas: Mahirap mag-react eh. Hindi ko, medyo convoluted yung analysis or thinking. Pero, simple lang po ito. Unang-una, sa lahat sa amin dito, ako lang, ako lang ang nakapagpasa ng batas kung saan ang minimum wage earner, in fact, exemptions up to the first P100,000 ng tax earner per year ay hindi nabu-buwisan. Yan, nagawa ko yan nung ako'y nasa Senado. Ako, bukas ako sa pag-review ng tax code para pababain ang singil sa ating mga empleyado, subalit hindi during election period.

Valdes: VP Binay?

Binay: Hindi ko maintindihan kung ano'ng relasyon nun sa election period eh. That is a continuing request, demand of salaried employees na alisin na yang income tax sa kanila. Kasi talagang, in P30,000, one thousand per day, 30 days, P30,000. Kailangan ho yung mabawasan ho yung binabayaran sa buwis, double taxation ho inaabot ng salaried employees; may income tax, meron pa sa bank.

Poe: Ms. Luchi, sa tingin ko ang punto nito ay ito. Dapat may permanenteng trabaho ang ating mga kababayan at wastong kita. At kahit na babaan natin ang kanilang mga buwis, na importanteng gawin natin, kailangan rin nating maglikha ng trabaho. Kasabay ng pagbaba ng income tax, kailangan din natin babaan ang corporate income taxes. Bakit? Sapagkat dito sa Pilipinas, nasa 30% ang ating corporate income tax. Sa ibang bansa sa ASEAN, ang average ay 25%. Ba't sila mamumuhunan dito kung sa ibang bansa mas mura?

Roxas: Ms. Luchi... Dadagdagan ko lang. Ang importante dito ang pinagkakakitaan ng ating mga kababayan. Buwis ang pinaguusapan dito, ano'ng bubuwisin mo kung wala naman silang kinikita? Ang importante dito ay yung kikitain ng ating mga kababayan. Yung ating mga housewives, yung ating mga wala pang trabaho, yung mga part-time.  Lahat po yan ay mahalaga na meron silang kakayahan, meron silang kapital na magagamit para kumita sila.  Lahat yan ay walang buwis dahil lahat yan ay hindi naman sakop sa ating formal economy.

Valdes: Mayor Duterte.

Duterte: Yes, it is a very sad commentary that actually, year after year the appropriations are good.  The problem is in the implementation.  Because corruption, estimated about 30% of the total budget goes to corruption.  Kung walang corruption, straight implementation, there is really no problem in our country. We can survive and we can do it. 

Roxas: Natutuwa ako na si Mayor Digong ay sinasabi nya yung aming motto na 'kung walang corrupt, walang mahirap.' Yan ang ating ginagawa sa Daang Matuwid.  Sinimulan natin yan nung 2010. Hindi ko sinasabi na narating na natin ng perpekto. Hindi ko sinasabi na narating na natin ang paradiso pero malayo na ang narating natin, marami nang mga tagas ang nagsarhan natin, marami na tayong nakasuhan at itutuloy natin yan kung magpatuloy ang Daang Matuwid.  

Valdes: Yes, Mayor.

Duterte: I'd like to thank Secretary Roxas for using my sloganeering.  Kung walang hirap, walang mahirap. 

Poe: Eh andami pa ring mahirap.

Valdes: Kung walang hirap, walang mahirap?

Duterte: Kung walang corrupt, walang mahirap.

Poe: Alam nyo po, yun nga, yun ang kanilang slogan pero nakakalungkot na hanggang slogan.  Sapagkat, bagamat marami na ring nagawa, yung Freedom of Information hindi pa rin napapasa at ang napapansin ko kung hindi ka kaalyado, may kaso ka. Kung ikaw ay kaalyado, may project ka. Parang hindi naman yata tama yon.

Roxas: Ang katotohanan Luchi, senadora, ay LP, non-LP lahat kinakasuhan.  Ang aking sariling gobernador....

Poe: Ms. Luchi dun na lang sa DOTC....

Roxas: Excuse me, ang ating... Oras ko po ito, unang-una oras ko po ito at meron tayong civility na pinag-uusapan.

Poe: Okay.

Roxas: Una, una, LP, non-LP lahat nakakasuhan, natatanggal sa pwesto at makikita po nyo yan, yan ang record yan ang totoo, hindi po yan kathang-isip. 

Poe: Ms. Luchi ang mga kinakasuhan lang ng LP ay ang mga latak nilang miyembro. Pero yung mga, miyembro nila na importante sa kanila katulad ni Secretary Jun Abaya na pumirma ng maintenance contract ng Sumitomo... ng APT Global ay nandyan pa rin at hindi man lang kinasuhan ng Ombudsman.  Kaya para sakin, kung hindi ka nila kailangan kakasuhan ka nila, pero kung importante ka sa kanila wala kang kaso.

Roxas: Matanong ko kay senadora, hiniring nya ito. Nakita kuno nya ang mga ebidensya sinasabi nya dapat kasuhan, siya ba ay naghain ng kaso?

Poe: Ako ay naghain ng rekomendasyon sa Ombudsman.

Roxas: Ano ang nangyari ngayon?

Poe: Pero ang importante, hindi pinakinggan.

Roxas: Ano ang nangyari ngayon? May ebidensya ba?

Poe:  Pero may mga iba na naghain ng kaso, pero ang mahirap hindi nakakakita, nagbubulagbulagan at hindi nakakarinig ang nagbibingi-bingihan.

Roxas: Ang mga... ang sinasabi nyo po ngayon ay yung Ombudsman ngayon ay kasabwat, yan po ba ang sinasabi ninyo?

Poe: Ang sinasabi ko ngayon ay merong yung sinasabi ninyong Daang Matuwid ay hindi natutupad sa lahat ng ahensya ng ating gobyerno.

Valdes: We will have to bring it back to the usapin of the tax.  VP Binay, you have not spoken on any of the reactions from your fellow candidates, ano po ang masasabi nyo don?

Binay: Eh, yun hong kailangan-kailangan ho na talagang wag nang kunan ng income tax yun hong mga P30,000 and below ang sweldo every month.  Kasi marami pa hong dapat gastusan ha. Kung hindi nyo kukunin yung hindi nyo ipagpapatuloy income tax marami pa hong mapaharap na magagastusan yung ating mga mamamayan.

Valdes: Mayor Duterte, you were going to say something.

Duterte: If I said I am insisting on my statement.  My declaration is that if there is no corruption, every year yung appropriations tamang-tama it would bring good to the country.  The problem is I said, 30% of the total P100 million, trenta nyan is goes to corruption.  That is the sad reality of this country.

Poe: Ms. Luchi.. Alam mo sa tingin....

Roxas:  Ang hindi.... Okay, go ahead.

Valdes: Senator Poe.

Poe: Meron kasi yung proposal na dapat ilipat na yung bilibid sa Nueva Ecija.  Sa tingin ko, magdagdag na tayo doon ng mga kwarto para sa mga nangungulimbat ng pera na mga nasa gobyerno ngayon. Kasi yan talaga ang problema natin. Hanggang ngayon nandiyan pa rin ang corruption at sila ay nasa pwesto dapat makulong masintensyahan. 

Roxas: Eto Ms. Luchi. International na hindi tayo-tayo, hindi mga katunggali ko.  International world bank, Transparency International lahat ito, World Economic Forum, lahat yan ang nagsabi na ang Pilipinas ay malaki at malayo na ang narating sa paglilinis ng pamamahala sa pagpa-file ng mga kaso, sa pag aayos pagsasara ng mga tagas ng ating pera.  Hindi ko sinasabi na narating na natin ang perpekto, pero malayo na ang narating natin at itutuloy natin ito. Tama! Ikukulong natin lahat itong mga nagnanakaw sa gobyerno.

Valdes: We shall now move on to the next question.

Binay: Luchi, meron lang isang bagay ah.

Valdes: Yes, Mr. VP.

Binay: Tuloy-tuloy ang paghihirap ng ating mga kababayan. Milyon-milyon pa ho, Mr. Roxas ang naghihirap. So, huwag mong sabihin na maganda na ang nagawa ninyo, etc., etc. Itong sinasabi niyong walang mahirap kung walang kurap. Eh! Dumadami nga ho ang mahirap, eh kasi laganap po ang kurapsyon kasi yung mga ka-alyado mo katulad ni-- yung mga nagnanakaw doon sa minahan ay nandiyan, hindi nahahabla.

Roxas: Lahat po ng mga hinahabla ay pantay sa tingin ng batas. Lahat po yan, kung dapat na kasuhan, kinakasuhan. Makikita po ninyo ang record ng Sandiganbayan. Alam po ninyo yung Sandiganbayan, diyan po may kaso ang inyong pamilya sa pagnanakaw, no? Diyan po sa Sandiganbayan makikita po nila, Liberal Party, non-Liberal Party, basta nagnakaw ka, basta may ebidensiya, kakasuhan ka at diyan huhusgahan ka kung guilty o not guilty. Yan po ang patakaran natin.

Binay: Yun! Pagkatapos magkaroon ng paglilitis saka mo sabihin kung magnanakaw nga o hindi.

Valdes: Ititigil na po natin dito dahil nalilihis na po ang ating usapan, nababalik po sa kurapsyon. Ang tanong lang naman po ay kung anong paninindigan tungkol po sa pagbabawas ng income tax partikular sa mga 30,000 at kung papaanong babawiin sa budget ito. We will now move on to the next question. Ang susunod pong magtatanong ay ang....

Duterte: Ma'am, sandali lang. He gave a very short.... There was a cut in his statement. Sino yung mga kasabwat niya? The people are entitled to know. So, I will ask again, sino yung kasabwat ni Mar sa kurapsyon?

Poe: Sino nga?

Binay: Eh, alam mo naman, diyan sa Mindanao nangyayari yun. Eh, yung mga sila Eric Gutierrez, yung mga ano.

Valdes: Sir, with all due respect, I will have to stop this discussion here. Wala po tayong babanggitin na wala po dito ngayon sa forum. Baka po may masabi pa pong pangalan na hindi po mabibigyan ng pagkakataon magpaliwanag dahil kurapsyon nga po ang napag-uusapan. We will now move on....

Binay: Ah, excuse me lang, Luchi, kung ganyan ang patakaran, ba't naman ang anak ko? Hindi naman.... Wala dito sa forum ay sinasama ni Roxas.

Roxas: May kaso po. Luchi, ang anak po ni Vice President Binay ay may kaso. May kaso sa Sandiganbayan. Nafile-an ng kaso. May aktwal na kaso sa pagnanakaw.

Binay: Sabi ni Luchi, yung wala dito....

Valdes: Napupunta na po kasi sa mga politiko sa Mindanao at nalilihis na po ng malayo doon sa P30,000. With all due respect, Mr. VP, I think that the question on the income tax and how you're going to compensate for the loss in income tax with added infrastructures. It has been sufficiently addressed.

Binay: Tama yan. Tama yan, Luchi. Kasi sinasabi mo, para wag tayong mapunta na magbanggit sa mga tao na wala naman dito sa forum.

Valdes: Nabanggit ko lang po dahil napahiwatig po ni Mayor Duterte kung sino ang mga politiko sa Mindanao at ayoko na pong mapunta pa po doon ang usapan. With all due respect, again, I apologize but I have to stop this discussion now.

Duterte: I just want the truth.

Valdes:  We'll move on po to the next question.

Poe: Pero TV5 parang ganitong format ang gusto niyo di ba?

Valdes: Opo, yes, but we also have to control the time because as we all know you also have your own schedules.

QUESTION FOR MAR ROXAS

Valdes: The next question will come from Cebu-based broadcaster Ruphil Banoc of RMN Cebu.

Ruphil Banoc: Almost P200 billion ang budget para sa rehabilitation ng Yolanda. Ngunit nasa P90 billion palang ang na-release sabi ng DBM. Kaya marami pang biktima dito sa Visayas kasama na ang Cebu na hanggang ngayon naghihintay pa ng tulong galing sa pamahalaan. Bakit po ang private sector na boluntaryo lang pero mas nangunguna sila sa pagtulong as compared to the government na may mandate to serve its people?

Roxas: Sa ngayon, as end of 2015, ang aking pagkaalala ay humigit kumulang P90 billion ang na-release na na tulong para sa Yolanda rehabilitation. Diyan sa P90 bilyon na yan, apat na bilyon ang dumaan sa DILG , yang apat na bilyon na yan ay dinownload to the last sentimo to the provinces, cities, municipalites at sa mga barangay para ayusin nila ang evacuation centers, civil centers, multi-purpose halls, at kanilang mga palengke. Apat na bilyong piso yan ang dumaan sa DILG. As of now, mahigit 93 percent na ang completed diyan sa mga projects na yan. Gayunpaman, tama na ba yan? Hindi pa. Mayroon pa rin mga nangangailangan lalo na sa housing. Ang alam ko sa 2016, there is P46 billion na ire-release. At diyan sa P46 billion na yan, P30 billion ay mapupunta sa NHA para magpatayo ng mga bahay para dito sa mga nasalanta ng Yolanda. Yan ang aking pagkaalam. Ang importante dito ay yung ating no-build zone. Nakapakahalagang, mahalaga po na hindi natin hayaan na manatili sila sa mapanganib na mga lugar. Dalhin natin sila sa mga ligtas na lugar para hindi mauulit yung nangyari noong Yolanda. Ruphil, nandun ako sa Tacloban bago pa dumating ang ang Yolanda, habang at matapos ang Yolanda. Nakita ko yung bilang ng istatistika, nakita ko yung mga bangkay mismo, naranasan ko yung angas sa hingin ng mga bangkay, kung saan mahigit anim na libo na mga tao ang namatay doon. More than  1,500,000 ang affected dun. Ginawa natin ang lahat. More than 10 million food packs ang ipinamahagi natin diyan sa mga kababayan natin dyan. Mahaba itong proseso na ito pero ginagampanan po ito ng gobyerno.

Valdes: Senaor Poe, you were going to react?

Poe: Si Mayor Duterte....

Duterte: Yes ma'am. I disagree. The COA says of the total money, 33% has been completed 33.7 nandyan, on deck ang pera, about to be started yung project, then 37 wala. That's the figures of COA.

Roxas: Baka iba ang tinutukoy ni Mayor Duterte. Dahil doon po, same COA says that doon po sa dumaan sa DILG, mahigit nobenta porsyento na po ang natapos, nakatayo po dyan. May listahan po yan, may mga lugar po yan, may mga inauguration po yan. Lahat po yan ay nagawa. Yung perang dumaan sa DILG na humigit kumulang P4 bilyon. Meron pa bang mga ibang project na hindi natatapos? Maari. Sa agrikultura, sa housing sa iba pa. Pero sa perang dumaan sa DILG na nasasakupan ko ng panahong yun ay yaan po ang record.

Duterte: I would like to apologize. You were talking about the billions downloaded to DILG I was talking to about the whole of it. I'm sorry I got lost along the way.

Poe: Parang sa NEDA figures nila, kailangan pa natin ng 154, 000 housing units na kailangan matapos, 250 classrooms, at about more than 40,000 hectares na kailangan pa taniman ng mga niyog na nawala dahil sa bagyo. Marami pang kailangan gawin, ang importante talaga ay may komunikasyon sana tayo nung bagyo. Ang problema kasi, cellphone lang ang ginagamit wala man lang Sat (satellite?) phone. Kailangan talaga ng pag plano, kailangan pag kukuha tayo ng leader ay yung leader talaga na may management style.

Binay: Kung totoo na ang pera na binudget ay ginastos na ninyo, bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa nakakapag liquidate sa seven billion pesos na napunta sa opisina ninyo?

Roxas: Ang liquidation po ay nasa COA na. Tapos na po iyon. Ang binabasa po ninyo ay 2014. Nasa 2016 na po tayo. Nangyari po itong pag gawa nito lahat noong 2015.

Binay: Iba yata ang paliwanag mo Mr. Roxas. Kasi ang pinalabas mo sa dyaryo, hindi pa namin ito nali-liquidate kasi hindi pa tapos ang project.Yun ang paliwanag mo.

Roxas: Yung seven percent kasi hindi pa tapos. Yung 93 percent tapos na. Yung seven percent obviously hindi pa mali-liquidate yan. Pero yung 93 percent na tapos na,na-liquidate na yan, ang papeles ay nandun na sa COA, as of 2015. Yung datos na binasa po ninyo ay 2014. Vice president kung gusto mo na siraan ako, kung gusto mo na magtapon ng putik at least gamitin mo current data.

Binay: Alam mo Mr. Roxas ang statistics po laging hindi totoo e, kung ano-ano ang binibintang mo samin tungkol sa Makati e.

Roxas: Yan po ang 2015 na katotohanan. Ang binabasa po ninyo ay 2014. Sabihin mo sa staff mo maging up to date sa pag-aaral.

Binay: Sagutin mo nalang ang COA. Yun na lang.

RAISING OF HANDS ON DIVORCE

Valdes: Bago po tayo mag break, isa pa pong tanong na hindi na hihingan ng paliwanag pa. Ito po ay tatawagin naming taas-kamay segment. Sa segment pong ito, taas-kamay lamang po ang kailangan natin para malaman ang posisyon ng ating mga kandidato sa isyu. Ang ating unang taas-kamay question ay payag ba kayong legal ang diborsyo sa bansa. Taas-kamay lang po kung pabor.

(No one raised a hand.)

Valdes:  Alright, wala pong pabor. Maraming salamat.

QUESTION FOR RODRIGO DUTERTE

Valdes: Nagpapatuloy ang Pilipinas debates 2016, live padin tayo dito sa UP - Cebu, mga kapatid painit ng painit ang ating tanungan at sagutan at sa  puntong ito magtatanong po tayo ng mga bagay na may kinalaman sa mga krimen, Coco Levy funds at edukasyon. Narito po si Ed Lingao para sa kanyang ikalawang taong.

Lingao: My question is for Mayor Duterte. Ang sabi po raw ninyo ay tatapusin po ninyo ang krimen sa buong Pilipinas sa loob lamang ng anim na buwan. Magnificent target po iyan. Pero ayon sa Philippine Statistics Authority, Davao City ang may pinakamataas na crime rate sa buong Davao Region noong 2010 at 2012. Ang tanong po ng ilan siguro, kung papaano mo tutuldukan ang krimen sa buong bansa sa loob ng anim na buwan kung sa Davao City where you have been mayor for two decades already eh may problema pa rin pala sa krimen?

Duterte: Alam mo yung report na yan ay just really malicious. Yung mga naninigarilyo, those are violations of law, yun lang naman. But I like to say something, sabi nga ni Mar pupunta ka ng Davao eh makakita ka ng shabu. You know this very porous country and we are not fascistic nation. We do not confront people in public. Sinabi niya may shabu sa Davao, so one week after there was a raid, dito sa Davao pati dito sa Manila. Look what happened? Yung doon sa Malabon nahuli, buhay. Yung akin sa Davao nahuli, patay, apat. Kasi I wipe out, I'm still wiping out. Sabi mo how can I do it in 3-6 months? Well ibahin mo ako sa iba, gagawin ko kung ano ginawa ko sa Davao. If I say do not come here, do not come here. If I say leave Davao, you leave Davao. If you do not do that, you are dead. Ganun lang naman ang storya diyan, marami pa tayong drama. If I am into the presidency, look, if I am the president for 2 months and nobody would believe me, nobody would follow me, even if you give them 10 years, it cannot really happen. Eh ngayon hintayin mo ako, kung ako mag presidency, 3-6 months, sinabi ko sa inyo I will do it. I will do it just like what I did to Davao. Panoorin mo ang Davao, panoorin mo ang buong Pilipinas then you will see. Wag mo isali ang statistics pati yung panigaliryo. Urinating in public, you get arrested, it goes into the statistics. Magpunta ka munang Davao, tanungin mo ang mga tao.

Valdes: Maraming salamat Mayor Duterte. Any reactions for any of the candidates, please? Secretary Mar?

Roxas: Naalala ko nung DILG ako, sumulat ako sa... kay Mayor Digong para sabihin na halos apatnapu ata—hindi ko masiguro yung bilang ng barangay, I think it's either 30 or 40 barangays—were deemed by the PDEA to be drug infested. Magmula noon hanggang sa ngayon ay nandiyan pa rin yang mga barangay na yan, drug infested pa rin. Hindi ko kinukuwestyon ang kanyang pagnanais na tanggalin ang droga sa Davao o sa buong Pilipinas. Ang kinukuwestyon ko yung kakayahan na magawa ito in six months, at hindi basta-bastang mangyayari ito.

Valdes: Yes, mayor.

Duterte: The secretary has forgotten that he was the DILG secretary. He controls the police, he has the administrative control of everybody. Kaming city mayor, kahit sa Philippine National, kami yung mga mayor, we only give the guidance to the police. We do not exercise control over the police. Kayo ang nagpipili ng mga tao, it is not us. We do not have control the PDEA. Let me finish. Hindi na tuloy kasi... talaga si Mar.

Valdes: Secretary?

Roxas: Nakalimutan siguro ni mayor yung Local Government Code na kung saan ang mayor po ang chief executive ng isang lugar. Nung ako po'y nanunungkulan sa DILG, ang halaga po na nakumpiska namin na droga sa buong Pilipinas was seven and a half billion pesos. Tama na ba ito? Hindi pa. Kontento na ba tayo? Hindi pa. Pero yan ang aming aktwal na accomplishment, seven and a half billion pesos of confiscations and arrests. All of these have arrests. May mga tao na nasa presohan ngayon na na-aresto diyan sa mga drug busts na yan.

Valdes: Yes, Mayor Duterte?

Duterte: Yes, inaresto mo, pero ano'ng ginawa ninyo? This administration allowed shabu to be cooked inside the national penitentiary. Is that your performance?

Roxas: Kaya nahuli nga eh, di ba.

Duterte: Ikaw yung chief of police, pinaka-chief DILG. Under you, Philippine National...

Valdes: It's still his time.

Duterte: Alam mo, wala kang ginawa. And you are claiming credit which is not yours. Ang mahirap sa 'yo, Mar, you are always a pretentious leader.

Roxas: Hindi totoo yan. Ang hirap sa 'yo...

Valdes: Secretary Mar is talking.

Duterte: It's my time.

Roxas: It's my time, oras ko na ngayon.

Valdes: Yes, your time.

Roxas: Ang hirap sayo Digong ay hindi mo sinasabi ang totoo. Ang totoo ay nahuli nga eh. Di ba nahuli? Kaya ginawa natin, nahuli yan. Kung pinabayaan namin yan, eh di yun ang masasabi mo. Pero nahuli yan eh, na-aresto, tinigil, at patuloy ang ating laban sa droga. Hindi yan pagiging pretentious. Nangyari yan, nasa diyaryo yan, totoong nahuli yang mga gumagawa ng droga sa loob ng presohan.

Duterte: Hindi diyaryo yun, tabloid yun. Alam mo... there is the therefore the people to see, this is a Republic, this is nationwide. Kaya alam nila how hard it is really to work for government. You are just, you're a fraud, you're pretentious.

Roxas: Name calling....

Duterte: Pati edukasyon mo, sinali mo 'yung Wharton, hindi ka pala taga-Wharton eh.

Valdes: Let's stay on the subject. We're on the subject of how to beat drugs in three to six months.

Roxas: Hindi ko problema na hindi maunawaan ni Mayor Duterte kung ano'ng ibig sabihin ng pag-graduate sa Wharton. Hindi ko na... malinaw na malinaw, Wharton mismo nagsabi, graduate ako dun sa kanila. Kung ayaw maniwala, yan ang, yan ang brand ng Duterte justice. Kung ano'ng nasa isip niya, kahit hindi totoo, 'yan ang kanyang papaniwalaan at yan ang kanyang gagawin.

Duterte: You know, we asked Wharton and they said it would be inappropriate for Mr. Roxas to claim that he was a Wharton graduate with an MBA.

Binay: Hindi, um-attend yata siya ng seminar.

Roxas: Eto naman si Vice President Binay, sumama pa, sumawsaw pa. Ang importante, ang importante dito, ang Wharton mismo ang nagsabi na graduate ako don. Hindi... never ko sinabi na nag-MBA ako. Ikaw lang nag-iisip non. Ikaw ang nag-isip na hindi mo maunawaan kung ano'ng ibig sabihin na nag-graduate ako sa Wharton. Pero balik tayo sa totoo...

Duterte: Nanloloko yata sa Wharton.

Roxas: Excuse me, oras ko ito. Kung ano ang pumasok sa isip mo, sarado na'ng isip mo, 'yan ang Duterte justice. Walang, wala ng katotohanan. Kung ano lang pumasok sa isip mo, pikit mata, gagawin mo, baka may mamatay pang tao. Hindi ko gusto para sa Pilipinas yan.

Duterte: Yan ang problema. Kung hindi ka marunong pumatay ng tao at takot kang mamatay, 'yan ang problema. You cannot be a president. Believe me. You cannot, wag na lang yan, maghanap ka na lang ng ibang...

Roxas: Hindi ako takot mamatay. Ako mismo, pumunta sa Yolanda, ako mismo pumunta....

Duterte: Ako nandoon.

Roxas: Ako mismo pumunta sa Zamboanga, doon ako tumira, tatlong linggo para subaybayan ang ating mga kapulisan at ng ating mga kasundaluhan doon. Hindi po ako takot mamatay, ang akin ay hindi puwede na basta-basta tayo mamatay ng tao na walang proseso.  Ang mga mahihirap lang ang pinapatay diyan. Sinong malalaking tayo ang pinatay mo?  Sino ang mga malalaking tao ang binangga mo?

Duterte: Hindi mo lang alam, kasi wala kang alam talaga.  Ang problema niyan...

Roxas: Patutsadahan na ito.  Ito ay pagka-pangulo ang pinag uusapan dito, pagpapangulo ang pinag-uusapan dito.

Duterte: It's my turn.

Roxas: Hindi pwede, hindi pwede na basta basta na lang....

Valdes: Maraming salamat po. tapos na po tayo dun sa topic na yan, we'll just move on to... Senator Poe's turn.

Duterte: Let me just say it. I was there in Yolanda, Day 2.  This guy cannot handle stress, he is a weak leader. 

Roxas: You were there, you were asking us for coffee and we were there accommodating you. Nandun ako nagpapatakbo ng meeting, nandon ang mga heneral, nandun si Secretary Volts Gazmin, nandun Secretary Dinky Soliman. On the second day nandon ang pangulo.  Papano mo sasabihin na wala ako don, nandon ako, I was the center player doon sa mga meeting na yon. Ikaw ang nawala, dumating ka doon, ilang oras, nagpa photo-op, umalis. Yyan ang uri ng liderato mo. 

Valdes: Kay mayor Duterte, the last...

Duterte: Because I was among... na hindi malaman kung ano gawin.  I said you were there, you were lost like a zombie. 

Roxas: I was there 2 weeks, araw-araw ako nagpatakbo ng meeting.  May mga tao don na...

Valdes: Titigil na po tayo dito, mawalang galang na lang po ulit.  Kasi magiging he says, she says po. 

Duterte: Hindi yung walang galang eh....

Valdes: We would like to hear from senator Poe.

Roxas: Nakikita ng tao kung sino yung walang galang dito.

Valdes: Senator Poe, your 30 seconds now please.

Poe: Okay, ito yung problema natin, may mga sa bawa't isang pulis may mga 650 na Pilipino na naka depende dito at hindi lahat ng pulis na yan ay patrol yung iba ay mga administrative work.  Kulang tayo ng pulis, kulang ang allowance natin sa mga munisipyo.  Pangalawa, iniisip ng iba na kung ako ay magiging pangulo hindi ko kaya sugpuin ang droga. Hindi po totoo yan.  Ako'y magtatalaga ng isang crime zar na magpagkakatiwalaan at matapang. Si Colonel Ariel Querubin ang aking magiging crime czar.

Valdes: Maraming salamat po.  VP Binay, you know, just in the interest of air play, VP Binay on drugs please.

Binay: Alam po ninyo ang ilalagay kong Cabinet member yung naintindihan dun sa kanyang departamentong pupuntahan.  Gaya nito, eh si Secretary Roxas wala naman po nalalaman sa local government.  Hindi niya sinagot yung sinasabi ni Mayor Duterte sinasabi nya hindi nandon kami mga pulis.  Mr. Roxas, ang pulis po sa amin sa local government supervision lamang. Wala po kaming control. 

Roxas: Ang kapulisan po nagre-report sa mayor ng lungsod. Yun po ang katotohanan, vice president.  Pangalawa, pangalawa, balik lang po ako doon sa sinabi ni Senadora Grace, tayo po, ito totoo ito, sa aking panunungkulan ng DILG out of 946 na most wanted nahuli natin, nasa piitan yan mga yan, may arrest warrant, yang mga yan, nahuli natin 746.  Yan ay totoo, hindi kathang isip yan. Lahat yan ay mga totoong nahuli na mga kriminal.

Poe: Bakit nasasabi natin....

Valdes: Senator Poe please, senator Poe please.

Roxas: Okay.

Poe: Bakit sa PDEA, dalawang libo ang mga arrest warrant na hangang ngayon ay hindi pa rin nakukuha.  Yan ang nasa ilalim ng DILG kaya talagang kailangan nang palitan ang mga sistema na yan.

Roxas: Nagpapakita po, Senadora Grace, senador po kayo, ang PDEA po hindi nasa ilalim ng DILG, nasa ilalim po na Office of the President.

Poe: Pero ang kriminal ay responsibilidad pa rin ng DILG dahil hawak nila ang BMP.

Roxas: Hinuhuli po namin ang sakop ng DILG..

Valdes: Senator Poe's time.

Poe: Hawak ng DILG ang PNP na nagmimintina ng peace and order sa ating bansa, ikaw man ay drug pusher o kriminal.

Roxas: Pananagutan ko po kaya meron tayong lambat sabat kung saan from 919 incidents per week, yan po napababa natin to 253 incidents per week.  Naka-blotter po yan, aktwal po yan, totoo po iyan....

Poe: Tanungin natin, sino ang gumagawa ng statistika na yan? Gobyerno hindi ba?

Valdes: Sandali lang po Senator Poe.

Roxas: Excuse me, oras ko po ito. Yan ay galing sa blotter mismo, hindi yan kung anu-anong mga nire-report ng mga chief of police.  Pinalitan ko ngang sistema dahil nakita ko na dinu-doktor nila ang data, so nung pumasok ako pinalitan ko, sabi ko, blotter base.  May nago - audit diyan sa mga report na yan.  Yang bilang na yan na 253 ay totoo. Yan ang katotohanan....

Poe: Bakit hanggang ngayon problema pa rin ang riding in tandem, problema pa rin ang nananakawan ng cellphone, problema pa rin ang krimen sa ating bansa, kung totoong nabawasan na yan.

Valdes: Senator Poe's time na po. Okay Mayor Rodrigo.

Duterte: Assuming, Secretary Roxas na yung nahuli ninyo nasa Bilibid prison, ano kaya ang ginagawa?

Roxas: Ang Bilibid ho ay nasa ilalim ng Department of Justice. Abogado po kayo, alam po ninyo yan.

Duterte: Kasama ka administrasyon, you are the apologist of this administration.

Roxas: Proud ako. Proud ako sa na-accomplish nitong administrasyong ito. Perpekto ba kami? Hindi. Kami ang pinaka-unang magsasabing hindi kami perpekto. Pero apat at kalahating milyong pamilya na ngayon ang natutulungnan nitong administrasyon na ito sa 4Ps. Anim at kalahating milyong pamilya na ngayong ang natutulungan sa PhilHealth. Yan po ang ating... na dati rati ay 170....

Duterte: Please answer. My question is what are they doing in Muntinlupa?

Poe: Pero 25 milyong mga Pilipino ang nananatiling mahirap at 15 milyong Pilipino ang patuloy na nagugutom.

Valdes: Papatigilin ko lang po muna kayong lahat dahil nagsasapawan na rin po. I think....

Duterte: Ako! Ako, ako ang nagtanong. Sabi ko anong ginagawa sa Muntinlupa? E 'di siyempre nagluluto ng shabu hanggang ngayon.

Valdes: Maraming salamat po. Tayo po ay tutungo na sa susunod na issue. Dahil meron pa pong isang kandidato na hindi pa po natatanong sa ating ikalawang ikot at pakinggan naman po natin ang ikalawang tanong ni Lourd de Veyra.

QUESTION FOR GRACE POE

De Veyra: Ang tanong ko po ay para kay Senadora Grace Poe. Aminado ka na pinahihiram ka ng eroplano ng San Miguel Corp. Suportado rin po kayo ng NPC at sa umanoy pagtatanggol kay Mr. Danding Cojuangco sa issue ng coco levy funds, tinawag pa kayo ng kampo ni Mayor Duterte na puppet. Ang tanong. Pabor ka ba  na bawiin pa ng gobyerno ang  natitira at hanggang ngayon pinagtatalunang coco levy assets? Kung oo, paano mo babalansehen ang interes ng San Miguel, ni Ramon Ang , ni Danding Cojuangco sa interest ng lampas 3.5 million coconut farmers. Ilang dekada na rin po silang naghihintay eh.

Poe: Lourd, unang una, nais kong sabihin ko ito. Hindi ko dinidipensahan si Danding Cojuangco. Ang pera na yan na halos 70 billion ay hawak na ng gobyerno. Gusto ko ring sabihin na hindi si Mayor Duterte ang nagsabi ako ang puppet kung hindi isang miyembro ng kanyang campaign team na siya mismo na hindi naman siya. Ngayon papaano natin gagawin yan? Ang pera na yan ay hawak na ng gobyerno ngayon. Gusto ni President Aquino na magkaroon ng executive order kung papaano gagastusin yan. Pero ito ay pinetisyon ng mga magsasaka, nagtatanim ng mga niyog na sinasabing hindi pwede yan. Kaya ang Korte Suprema ay nagdesisyon na dapat isang batas ang ipapasa kung papaano gagastusin ang pera na yan. Ngayon itong batas na ito ay dine-debate pa rin sa Senado. Hindi ko pinirmahan ang batas na ito sa simpleng pananaw lamang: na kailangan may representasyon ang mga magsasakang nagtatanim ng niyog, kailangan mapunta sa kanila ang pera, kailangan research and development, at kailangan ng scholarships para sa kanilang  mga anak. Tinatayang 95 million coconut trees ang senile sa ating bansa na kailangang palitan. Ito ilang dekada na, kinamatayan na ng mga magsasaka ang fund na ito. Dapat mapunta sa kanila. Malinaw na ang pera na ito ay wala na kay Danding Cojuangco at kahit nasa kanya pa man ako ay magiging patas, tumulong ka man sa akin o hindi, pinatunayan ko sa aking mga pagdinig, kaibigan man kita o hindi, ang aking unang unang responsibilidad ay  sa mga taong naghalal sa akin. 

Binay: Luchi, pwede ba ako naman. Ito ang mga pagkakataong talagang pangako nang pangako na  itong perang ito gagamitin dito, gagamitin duon. Madam Senator, nandyan pa ba yung pera?

Poe: Nandyan po ang pera.

Binay:  Wala na po yung pera. Papel na lang po ang natitira.

Poe: Paano nyo nalaman?

Binay:  Pinagaralan po din namin yan.

Poe: Pinagaralan o dinaan na sa Philrem?

Binay: Ang layo naman ng Philrem. Ikaw talaga. Isa ka pa sa kasama ni Goebbels. Ikaw, halimbawa, ano naman ang relasyon ng Philrem dito?

Poe: Vice President, ang sinasabi ko nailipat na yung pera.

Binay: Sandali, ako naman ang sasagot, ha? Ano naman ang relasyon ng Philrem? Pinatatanong ko lang sa yo kung alam mo nang wala nang pera na ipapangako mong gagastusin kasi puros papel na lang ang natitira.

Poe: Alam nyo vice president, mismong Korte Suprema ang nagsabi, gumawa kayo ng batas kung papaano gagastusin ito. Kung ang Korte Suprema mismo ay nagsabing nandyan ang pera, kung walang pera ay may malaking imbestigasyon yan. Basta ito ang malinaw, na-turn over yan. Dati nagumpisa ang pera na yan na 9 billion pero naiainvest at naging 70 billion. Kung kulang kulang man, e di imbestigahan natin. Ang importante hindi napunta sa bulsa ko iyan.

Binay: Ang sinasabi ko lamang sa iyo yung pangako mo, mangyayari ba?

Poe: Dapat mangyari.

Binay: Pero alam mo kasi, ang Korte Suprema sinasama mo dito. Hindi ko naman sasamantalahin at sasabihin ko sa tao na hindi ka naman abogado. Kailan ba yang desisyon ng Korte Suprema? Ang sinasabi ko wala nang pera, sa ngayon.

Poe: Ngayon ganito na lang ang sasabihin ko: kung wala na yung  70 billion, ang underspending ng ating gobyerno ay 723 billion mula 2011 hanggang 2016. pupunuan ko ang 70 billion para ibigay sa ating mga coconut farmers kahit na paunti-unti mararating yan sapagkat tayo ang isa sa mga pinakamataas na exporter ng coconut sa mundo. Kailangan natin silang tulungan.

Binay: Ang tinatanong ko ho sa inyo yung coconut levy.

Poe: Kung wala na iyon, ibabalik natin sa kanila ang pera na yan. Pero ang mahalaga wala akong pinoprotektahan na kahit sinong interes.

Roxas: Ang pinaguusapan dito ang kinabukasan ng ating lahat ng mga nagniniyog. 70 billion pesos ito. Pinasa ito ng Camara de Representante, itong panukalang batas, hindi pinasa sa Senado. Ang ginawa ni Pangulong PNoy ay gumawa siya ng executive order para mapasakanila itong perang ito. Gumawa siya ng council kung saan ang mga mangnyoniyog mismong ay kabahagi ng council na yan.  May mga propesor, may mga dalubhasa sa finance at may mga taga sector ng niyog. Iyan ang nilalaman nung executive order na yan.

Poe: So Secretary Mar, sinasabi ninyo na ang gobyernong ito gustong matulungan ang ating mga coconut farmers, hindi ba?

Roxas: Tama naman, gumawa ng executive order kung saan dahil hindi naipasa ng Senado, dahil ang sesyon ngayon, siguro ang susunod na sesyon ay matapos na ang halalan, kawawa ang mga magniniyog. Kaya ginawa ng executive order ng pangulo ito para sa lalong madaling panahon ay mapasakanila ang perang ito.

Poe: Seryoso siguro ang gobyerno pero bakit ganun ang kanilang mensahe? Kung ang Philippine Coconut Authority na dating may 4 billion na budget ay kanilang pinutol at ginawa nilang 1 billion na lang. kung talagang seryoso sila na tulungan ang ating mga coconut farmers na ngayon ay pinupuntirya pa ng El Nino at cocolisap. Kaya para sa akin siguro hindi na lang salita, gawa ang importante.

Roxas: May 70 billion pesos nga para sa coconut farmers at yan ang pondong gagamitin para  sa pagtulong sa kanila.

Poe: Pero alam naman natin na hindi pinayagan yan ng Korte Suprema sa isang executive order kaya iyan ay dumaan sa Senado.

Roxas: Ginawa ang lahat ng administrasyon para itong perang ito ay mapunta sa ating mga coconut farmers.

Poe: Sino ang Senate President at ano ang kanyang partido?

Roxas: ilan ba ang boto namin sa Senado? Kayo po ba ay present sa mga hearing na iyon?

Poe: Kayo po ang majority. Palagi akong nanduon kumpara sa ibang mga kasama nyo.

Roxas: Ano po ba ang boto ninyo sa panukalang ito?

Poe: Hindi lang basta bastang boto, kailangan malaman ang inyong mga panukala.

Roxas: Maraming dahilan pala, e. Kung gusto mabilis pero kung ayaw maraming dahilan. Ang importante dito ay kung totoo po ay pwede  naman pong hatakin mula sa committee yan. Kung interesado naman po kayo bilang senador alam nyo ang Senate rules.

Poe: Alam nyo.… E, bakit hindi ini schedule ng Senate President kung talagang napaka importante. E nasa….

Roxas: Kayo po ang nakatayo dito. Kayo po ang nagsasabing interesado kayo sa mga magniniyog.

Poe: Basta ganito na lang Ms. Luchi. Kung talagang importante, Philippine Coconut Authority, 4 billion ang budget tinanggal ang 3 billion. Alam naman nila na hindi ganun kabilis magpasa sa Senado sapagkat meron pa hanggang Congreso at Bicameral. Kaya hindi sila pwedeng umasa duon kung talaga sila ay  seryoso.

Roxas: Matagal na po ito. 2012 ay nasa Kongreso na ito. House and Senate.

Valdes: Thank you po Secreatry Mar. We will just hear from Mayor Duterte kasi kanina pa po nagtataas ng kamay.

Duterte: This has been about too many years ago while the coconut farmers  are waiting for their money, pati nanay ko. Bakit ganito? There’s a Supreme Court decision. Eh bakit ikutin ulit? This is a rigmarole actually.Why don’t you just say isauli mo sa coconut farmers? Tapos. Kung presidente ako, wala nang council-council. Kunin mo yang pera mo.

Valdes: Senator Poe, would you like to answer that question because you were chair of that committee?

Poe: No, I'm not the chair of that committee. I’m a member of the Committee on Agriculture. Pero ang importante ay ito. Research and development. Scholarships para sa kanilang mga anak. Nakamatayan na nila. Si Efren Villasenor na head ng Coconut Farmers Association, tayo po ang inendorso dahil nga sa ating adbokasiya na tulungan ang ating mga magsasaka ng coconuts.

Valdes:  Alright. Maraming salamat po I think we have just exhausted the topic on the coco levy. At ngayon isa pang round ng taas-kamay question.

RAISING OF HANDS ON THE DEATH PENALTY

Taas-kamay na lamang po kung kayo ay sang-ayon. Pabor po ba kayo sa pagbalik ng death penalty sa sting bans. Taas-kamay po ang labor ditto.

(Duterte and Poe raise their hands.)

Poe: For heinous crimes.

Duterte: Drugs.

Poe: Drugs and multiple crimes.

Valdes: No paliwanag po. Maraming salamat po.

 

FACE-OFF ROUND

BINAY VS. DUTERTE

Valdes: Nagbabalik po ang Pilipinas Debates 2016, mga kapatid, ito na ang pinaka inaabangan nating bahagi ng ating debate dahil dito sa ating second round, sila sila na po mismo ang magtatanungan. Nagbunutan na po kanina ang mga kandidato, actually nung isang linggo pa kung sino ang kanilang tatanungin. May labing limang segundo po ang bawat kandidato para magtanong at tatlong minuto po naman ang ilalaan para sagutin ito ng tinanong na kandidato. Dalawang minuto, o isang minuto ang rebuttal ng nagtanong at isang minuto rin ang magiging sagot ng tinanong. At maguumpisa na po tayo, kaagad. Ang una pong magtatanong ay si VP Binay, at ang tatanungin po niya ay si Mayor Duterte.

Binay: Mga kababayan, wala po kong itatanong kay Mayor Duterte, kasi pareho kaming qualified to become president of the Philippines.

Valdes: Ano pong sagot niyo dyan sa puri ni VP Binay sainyo?

Duterte: Wala rin ho akong masagot, mas qualified siya kaysa sakin maging presidente. There are four of us here, mamili kayo. That's equally beautiful lady, matagal na mayor kagaya ko, si Sec naman, sige ngiti. Eh hindi ka na kasi mabiro eh, umiinit ulo ko. Really, it's not because there is nothing to answer except also to return the compliment in saying that is more qualified than me to be president.

Valdes: Ang sagot niyo po dun Mr. VP?

Duterte: Naniwala pala kayo? Hindi, hindi. Totoo yan, totoo yan.

(Duterte and Binay shake hands.)

Duterte: Wala ng iba, di magbiruan na lang.

Binay: Ang lagay sagot ho nagkamayan na po kami.

Valdes: Kung wala na pong tapatan sa inyong dalawa tayo po ay magtutungo na. Kay Mayor Duterte na magtatanong naman po kay Senator Grace Poe.

DUTERTE VS. GRACE POE

Duterte: What would happen if one night, gisingin ka at sabihin na ang dalawa nating Coast Guard ay pinasabog. What would be the first three step that you would do?

Poe: Maraming salamat sa pagkakataon. Unang una talaga kailangan nating palakasin ang ating AFP Ito ang problema, ang ating bansa maliit ang budget para sa defense. Ang China, halimbawa, napakalaki. Nagiging praktikal lang tayo na nagpa-file tayo ng kaso pero hindi nangangahulugan na dahil mas maliit ang ating bansa ay hindi natin pwedeng pag-ipunan na depensahan ang ating sarili. Ang Singapore 4 million people lamang sila pero walang nangbubully sa kanila sapagkat
 malakas ang kanilang maritime at ang kanilang air defense. Sa ating bansa pwede tayong lumaban pero ito lang ang kailangan nating tanggapin. Talo tayo talaga sa China pag tayo ay lumaban. Kailangan natin talaga na magdesisyon na ang Arbitration Court at sabihin na since ang China ay pumirma dito kailangan nilang tanggapin ang kanilang kasunduan sa ating bansa. Ito namang Pilipinas ay kailangang makipagsapalaran kasama ang mga ibang ASEAN countries katulad ng Vietnam, Indonesia, at Malaysia para constructively engage ang China to follow the Code of Conduct.  Hindi ko papayagan na mamatay ang ating mga sundalo ng walang kalaban-laban. Pero ito yung problema. Yung budget ng ating AFP, dapat bibili na tayo ng surface-to-air missile para lamang madepensahan ang ating sarili. Pero ano ang ginawa ng administrasyong ito? Pinalitan at sinabi ang bibilhin na lang ay bullet-proof vest at sumbrero. Importante rin yun pero bakit hindi pareho nating bilhin yun. Pagkakataon na natin. Kaya sa atin ngayon nakakalungkot na hindi natin kaya pero dapat pag-ipunan na natin at siguraduhin na sa mga susunod na mga taon ay kaya na nating depensahan ang ating sarili at hindi tayo papayag. Kung kinakailangan, bilang isang Pangulo, ay katukin ko ang bawat  bansa para tayuan nila ang pagkakasunduan dito sa UNCLOS ay gagawin ko sapagkat ito ang realidad. Pero sa tingin ko pag nagsama-sama ang mga bansa para sabihin sa China na mali ka, tayo ay mananaig pa rin sa sitwasyon na ito.

Valdes: Mayor Duterte....

Duterte: I'm just talking about worst case scenario, ang tanong ko kasi what would be the first steps that you would do  if you are informed in the middle of the night, you are awakened na dalawang Coast Guard ay pinasabog ng China with missiles, what could  be the first steps that you would do?

Poe: Ang kailangan natin syempre bilang Presidente ay bumangon agad. Hindi naman pwedeng mamaya na yan, mamaya nang alas-singko, mamaya nang alas-sais. Mabilis na babangon ang Presidente at ipatatawag ang head ng AFP at head ng DOTC sapagkat nandyan napapailalim ang Coast Guard, kaya nga napakahina at napakabulok. Pasensya na po. Kaya nga dapat mag-uusap kung papaano gagawin. Ngayon meron tayong Visiting Forces Agreement, mayroon tayong kasunduan sa ibang bansa kung papaano tayo dedepensahan. Tutuo ayaw nating umasa sa kanila pero tayo lang hindi natin kaya. Kung ano ang pwede nating gawin sa pagkakataon na yun, kailangan ay depensahan natin ang ating bansa pero ang tutuo kailangan natin ng tulong ng ibang komunidad para tayo madepensahan pero hindi nangangahulugan na hindi natin palalakasin ang ating military.

Duterte: Thank you.

Poe: Thank you sir.

POE VS. ROXAS

Valdes: Alright, now Sen. Poe will ask Sec. Mar.

Poe: Secretary Mar.

Roxas: Yes.

Poe: Kayo po ang inatasan noon bilang DILG na mamahala noon sa Yolanda at pagkatapos naman nun ay doon sa Zamboanga siege at hindi lamang iyon, bago noon ay kayo po ay DOTC kung saan nagdesisyon na palitan na ang maintenance provider, alisin na ang Sumitomo at gawin ng ATP Global o kung ano pa man yan. Sa lahat ng mga nangyari may mga kakulangan, tanong ko lang po Secretary, hindi kaya yan ang dahilan kung bakit hindi kayo pinagkatiwalaan ng Pangulo na malaman ang operasyon ng Mamasapano at mas pinili pa niya pagkatiwalaan ang isang suspendidong officer katulad ni Gen. Alan Purisima.

Roxas: Unang-una, ayon sa Pangulo siya ay... Akala niya na alam ko at nireport sa akin ni Purisima. Excuse me. At nireport at ginawa ni Purisima ang kanyang utos, kayo mismo ang chairman ng hearing, hindi niyo mababali ang nangyari doon, actual sinabi ni Purisima, sinabi ni Napeñas sa hearing po ninyo, sinabi nila na inutusan siya na saka muna sabihan yung dalawa. Hindi pa ba totoo yun? Na ilang beses na po yun, nadinig nyo na po yun actual, kayo mismo gumawa ng report at yan ay kabahagi ng report ninyo. Yan po ay kabahagi ng report nyo. Itinago po sa akin itong Mamasapano issue na ito or gawain ng operation na ito. Ngayon, nabanggit po ninyo na itong sa Zamboanga, tama po kayo, nandun ako, tatlong linggo po ako nandun kasama ni Sec. Voltz Gazmin, hindi kami umuwi, siniguro po natin. Ilan bang hostages doon? 200 mahigit. Ilan ang namatay? Isa. Ilan ang mga namatay na mga sundalo? 10. Ilan ang mga namatay na mag pulis? Walo. Yan po ang mga casualty sa pagsisiguro na minimal ang civilian casualties doon sa pagsakop ng Zamboanga ng mga Muslim na mananakop. More than 260 ang naka preso ngayon, more than 200 ang bangkay, i-addition mo ang 2 na yun, halos 500 fully armed na tao ang pumasok sa Zamboanga at tinangkang sakupin ang Zamboanga, nandun tayo. Madali magpasabog ng mortar, madali mag drop ng bomba, pero ang ginawa natin ay surgical, para house-to-house at street by street mailikas natin, maisalba natin yung mga mahigit 200 hostage doon. Yan ang success ng Zamboanga, yan po ang ginawa natin, nandun tayo at masasabi ko sa inyo na sa aking tingin, successful yung operation na yun, nasalba natin ang mga hostages, matagumpay natin na retake at na-establish yung law and order sa kabuuan ng Zamboanga. Ngayon, nabanggit po ninyo yung Mamasapano, napakalungkot na pangyayari po ito. Alam na alam ko mahusay po at close ang aming relasyon ni Secretary Voltz Gazmin. Wala pong intrigahan, wala pong inggitan, magkasama kami sa Bohol, magkasama kami sa Yolanda, magkasama kami sa Zamboanga, kung nalaman ko ito, then malalaman din ito ni Secretary Gazmin. Sentido kumon lang ito. Armed Forces of the Philippines lang ang may mga helicopter, mortar, bomba, armored personnel carrier, na siyang makakapagsalba sa ating mga tropa doon.

Valdes: Maraming salamat Secretary Mar. Senator Poe your follow-up question please?

Poe: Ang totoo po niyan ang pangulo mismo ay kinailangan pang pumunta sa Zamboanga para talagang tignan na maayos yung operasyon. Kung tunay na nagtitiwala sa mga namumuno nung panahon na yon, bakit pa niya kinailangan mismong pumunta roon? Hanggang ngayon, marami pa rin ang wala sa kanilang permanenteng tirahan, kakagaling ko lamang dun. At mismong dun sa Yolanda, ilang daang libong mga bahay pa rin ang kailangan itayo at ilang daang, ilang libong ektarya pa rin ang kailangan tamnan. So para sa akin lamang ay ito, maaaring nabigyan ka ng maraming pagkakataon, pero sa tinagal-tagal ng pagkakataon na ibinigay sayo, ano ba ang mga naiambag mo? Malaki ang mga naibigay sa kanya, DOTC, DILG, pero parang kulang pa rin.

Valdes: Secretary Mar?

Roxas: Yan po ay nanggagaling sa isang katunggali ko po. Lahat po tayo rito nakatayo, tumatakbo sa pagka-pangulo. Ikaw ho ba, bilang pangulo, kung yan ang nangyayari sa Zamboanga, hindi po ba na pupunta ka rin dun? Ako pupunta ron. Bilang secretary, pupunta ako don. Ang Pangulo pumunta. Trabaho ng pangulo ang moral, ang pagsiguro na lahat ng puwersa ng pamahalaan ay nakatutok sa seryosong problema na nagaganap sa Zamboanga. Putukan ito, more than 500 ang tinangkang sakupin ang Zamboanga City. Hindi basta-basta nangyari ito, tatlong linggo ang mga tropa, mga scout rangers, ang iba pang mga specialized units sa iba't ibang bahagi ng bansa natin, kinailangan na ilipad dun para lamang masugpo itong pagsakop ng Zamboanga. Bilang pangulo, dapat lamang na pumunta siya ron. Nandun siya, siyam na araw. Kami nandun, tatlong linggo.

Poe: Pupunta lamang ako doon kaagad-agad kung hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga tao na naroroon. Sapagkat ang isang pangulo ay kailangan ligtas at ginagawa ang kanyang trabaho sa isang lugar kung saan siya ay hindi mamimiligro. Hindi kailangan ng pangulo na siya mismo ang mag-uutos sa mga sundalo at mga pulis kung ano'ng gagawin. Kaya para sa'kin, ang mismong pahiwatig na ang pangulo pa ang kinailangang pumunta ron ay kakulangan ng tiwala sa mga namumuno sa panahon na yon.

Valdes: Last answer please, Secretary.

Roxas: Ibig sabihin, ang sinasabi po ba ninyo wala siyang tiwala sa AFP Chief of Staff, sa Air Force, sa Navy, sa Marines, lahat po ng mga pinuno nandon; sa kay Secretary Voltz Gazmin. Hindi naman kasi puwede na isang patakaran para sa akin, sa pagtingin po ninyo, at iba naman po ang patakaran sa kabuuan ng Armed Forces of the Philippines.

Poe: Pero ito pa ay….

Roxas: At, excuse me, trabaho po ng pangulo, trabaho po ng pangulo para palakasin ang loob ng ating mga nasa front lines. Yan man ay nasa sakuna, nasa giyera, sa kapulisan, ako…. Siguro yan po ang kaibahan natin. Ako, pag ako naging pangulo, pupuntahan ko. Yan ang pinakita ko nung DOTC ako, yan ang pinakita ko nung DILG ako. Hindi ko makakayanan na makita na may problema, na may magagawa naman ako. Kung wala ako'ng magawa, di hahayaan ko. Pero kung may magagawa naman ako ay pupuntahan ko at gagawin kong lahat, papangatawanan ko ang aking trabaho at ang ating responsibilidad na gawin ang lahat para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Binay: Luchi, Luchi, Luchi, Luchi.

Poe: Mawalang galang na po.

Valdes: Maraming salamat po sec.... I will have to keep this to 15 seconds Sen. Poe and another 30 seconds to answer and that's it.

Poe: Mawalang galang na po.

Binay: Puwede ba Luchi, puwede ba kaming makapagsalita rin?

Duterte: Kami wala na?

Binay: Alam mo kasi, hind buo ang katotohanan sa sinasabi ni Secretary Roxas eh.

Valdes: Mr. VP, I think we all agreed before we started the face off that there will be no more reactions from the other two candidates. So for the sake of interest and fair play, once again, I will have to confine it to the sagutan of Senator Poe and Secretary
Mar. And we're already over-timing here Senator Poe, so 15 seconds please just on that and another 30 seconds and that's the last.

Duterte: We are not satisfied by the answer.

Poe: I think maybe, okay, why don't, you know, we've given you also certain concessions because we started late. Why don't we give also a chance to...

Valdes: Sure. If there is a consensus here. Secretary Mar, are you in agreement that they will also react?

Poe: But he's also one. And two of them wants to speak. We're three.

Roxas: Alam mo lahat tayo, lahat tayo nagsasabi....

Valdes: But we agreed before the segment po.

Roxas: Lahat tayo nagsasabi, Rule of Law. Lahat tayo nagsasabi, susunod, ipapatupad natin ang batas. Lahat tayo, lahat tayo, lahat tayo nagsasabi na masunurin tayo sa batas at sa mga reglamento tapos ngayon ayusan, areglohan, hindi yan ang Pilipinas na nais kong pamunuan.

Valdes: Secretary Mar, yes, that's a given po.

Roxas: Tapos, ngayon, ayusan, aregluhan, hindi yan ang Pilipinas na nais kong pamunuan.

Valdes: Sec. Mar, we are hearing you.

Poe: Hindi po aregluhan ito, ito po ay pagboto ng mayorya, na ating dinadaan sa pagboboto.     

Roxas: Meron po tayong mga patakaran na pinagkasunduan. Kayo po ang nagsabi Senadora Grace, dapat we must be out at 8PM. Kayo po'ng nanguna non, kayo po'ng nagsabi, we must follow the rules.

Valdes: Secretary Mar, yes.

Roxas: Sinusunod po natin ang rules.

Valdes: Okay.

Roxas: Tapos ngayon, dahil...

Valdes: The decision is final, 15 second question and another 30 second answer and that's the end of your tapatan. Thank you.

Binay: Sige na lang.

Poe: No I think they... I was...

Valdes: No... I thought you were asking one other question.

Binay: Ay hindi ba kami puwede magsalita na?

Valdes: Nag agree na po tayo...  Now you have a chance to answer because we can now move on to the next questioner.  Ang susunod pong magtatanong ay si Secretary Mar at ang tatanungin po ay si Mr. VP at pwede po kayong magtapatan dito sa inyong time.

ROXAS VS. BINAY

Roxas: Vice President, nandito sa harap ng sambayanan, maari nyo nang sabihin ang buong katotohanan. Hindi ninyo hinarap ang Senado, sabi ninyo parating pulitika na lang ito. Pero ang COA, Ombudsman, Senado mismo ang nagsasabi may katiwalian sa Makati noong kayo po ay nanunungkulan. Ito po ang pagkakataon ninyo.

Binay: Talagang kumbinsido na ho ako, na ikaw ay isa sa namumuno doon sa paggawa ng demolition by perception. Ako ho ay dumating dito. Kaya ho pinaggigitgitan ko na ilabas ko ho ang aking mga dokumento para maipakita ko sainyo ang aking SALN. Kung ano ho ang net worth ko, ang aking income tax returns, para malaman ninyo kung saan ho nanggaling ang net worth na yun. Yun hong sa AMLA-ng  sinasabi mo. Na yan ho ay pinadi-dissmiss na ng AMLC. Pero ang puno't dulo nito, rule of law. Corruption is a criminal offense. Pero hindi ka pwede namang masabi na guilty kung walang hatol ang hukuman. E ang nangyayari sa ginagawa ninyo, bintang, bintang ng walang katotohanan. Hindi naman sinasabing pag may findings, o may findings ang COA, bakit sinasabi bakit hukuman ba yung COA para magsabi kung guilty or not guilty? Sabagay ang hirap talaga magtrabaho sa gobyerno. Kapag pinagbintangan ka, na katulad ng magbibintang ay si Secretary Roxas, e para ngang dispulo ito ni Goebbels. Yun hong kakasabi ng kasinungalingan ay baka maniwala ang tao. E iba ho ang mga botante natin, hindi ninyo madadala ang mga tao sa puros kasinungalingan.

Roxas: Hindi po ako ang nagsasabi na may pagnanakaw. COA mismo ang nagsabi na may pagnanakaw. Halimbawa, kalalabas lang sabi ng COA, isang parking building, 26,000 square meters lang po, ang halaga, original budget, P280 million. Ang tanong paano lumobo ito na mahigit P2 billion? Times ten! Simpleng simple lang po. Eto ang pagkakataon ninyo. Imbes na sinagot ninyo na 'hindi ko alam. Mahal gold-plated' Hindi ko alam ano ginawa ninyo doon. Imbes na sinagot ninyo e si Goebbels o kung sino pa ang inyong nabanggit. Eto po, sabi ng COA mismo, COA ang nagsasabi nito, pati ang Senado, hindi po ako: Ang kama po P34,000. Ito po ay hospital bed, para sa Ospital ng Makati po ito. Nabili ninyo P500,000. Ito ay mga aktuwal na datos na lumabas sa COA report. Pagkakataon po ninyo. May isa pa kayong minuto ngayon para sagutin kung saan napunta ang pera na ito.

Binay: Oras mo yun, hindi ko oras yun.

Roxas: Kung binibigay mo sa'kin ang oras, e di dagdagan pa natin?

Valdes: Go ahead Vice President Binay kayo na po

Binay: Kasi kanina, sinasabi oras ko na daw yun, oras pa niya kanina. Anyway, alam mo Mr. Roxas, ang problema mo, ilang taon, taon-taon, kung mga anim o pitong taon, sinabi ng COA regular o tama ang mga pangyayari. Ngayon, dahil dito sa lumabas dito sa Senado, yung mga kasama mo, sinabi, 'COA magbigay ka ng special audit'. Pero may sinabi doon, kayo may mga special audit, palalabasin ninyo na may kasalanan ang mga Binay. At kung hindi, this is part of the record, excuse me ha. At kung hindi, ang sabi ni Senator Trillanes, 'isasama ka namin sa habla'. Tumayo po sa katotohanan yung isa sa special audit. Sabi nung sa special audit 'everything was regular'. Ngayon, pinasama sa habla. Pinahabla yung COA. Ito ho, yan sabi ko nga sayo, COA position, na taon-taon, sinabing regular po yan.

Valdes: Tapos na po Mr. VP ang inyong oras. Mayroon naman pong sagot ngayon si Secretary Roxas. One minute.

Roxas: Simpleng simple lang po: P16,000 na sterilizer nabili ng Ospital ng Makati, P1.5 million. Meron po kayong ultrasound. Ang isang ultrasound P1.3 million, yan po ang nasa bill of particulars nung unang sinimulan ang project. Ang aktwal na nabili, P8 million. COA po ang nagsabi niyan. Ngayon, ang sinasabi po ninyo ay palpak at walang malasakit itong pamahalaan na ito. Hindi ho ba, na yung palpak ay yung isang tao na bumibili ng P16,000 set sterilizer sa halagang P1.5 million? Hindi ho ba na ang walang malasakit ay ang isang tao, na para sa ospital ng Makati, para sa mga may sakit ay bibili ng sterilizer na halagang P16,000 ay bibilin sa halagang P1.5 million? Yan po ang lumabas sa Senado, yan po sinasabi ng ating COA, yan po ang habla ng Ombudsman ngayon, hindi po ako ang nagsasabi niyan. May pagkakataon sana kayo para sagutin pero hindi mo ginamit.

Binay: Alam mo Mr. Roxas, sa Sandiganbayan, maraming kaso ang natatalo dahil sa yung COA ay nagte-table survey lang. Nagtatanong kung ano. Alam mo yung sinasabi ng kaibigan mo na si Senator Trillanes, na 'ayan oh, ang mahal, mahal neto'. Alam mo, we are entitled to buy mamahalin kasi you sell peanuts, we get monkeys. Hindi ho sa presyo titignan kung tama ba kalidad ang binibili mo. Anyway, nakabinbin pa ho yan. Uulitin ko lang Mr. Roxas, mga kababayan, hukuman lamang po ang magsasabi kung kami ay guilty or not. Hindi ho yung bintang mo Mr. Roxas, ay Mr. Goebbeles pala, sorry.

Valdes: Dito na po magtatapos ang ating tapatan pero hindi pa ho nagtatapos ang ating debate. Sa atin pong pagbabalik mga kapatid pakinggan po natin ang mensahe ng ating mga kandidato. Sa sambayanang Pilipino. Itp pa rin po ang PiliPinas Debates 2016.

RAISING OF HANDS ON MARCOS BURIAL

Valdes: Bago po iyan ay magkakaroon tayo ng isa pang taas-kamay…. Sino po dito ang pabor na ilibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Itaas lang po ang kamay kung pabor.

(Binay and Duterte raise their hands.)

Duterte: I will explain….

Valdes: Wala pong paliwanang…. Sorry po Mayor Duterte.

Duterte: I will explain to the people.

CLOSING STATEMENTS

Valdes: Sa punto pong ito pakikinggan na po natin ang huling mensahe ng ating mga kandidato. May dalawang minuto po ang bawat isang magsalita. Pakinggan po natin si Vice President Jejomar Binay.

Binay: Ako na naman any una? Anyway, mga kababayan, enough of mediocracy in governance. Performance hindi ho pangako. Gawa hindi ho dada. Pag ako nagging Pangulo, dala-dala ko ang malawak kong karanasan sa pamahalaan. Mayor, chairman, governor ng Metro Manila, naging vice president po ninyo. Kakayahan ho sa pamumuno, yung kakayahan ko po sa pamumuno nung dumating ho ako sa Makati, maraming mahirap. Nung ako po yung namuno, nabawasan ang mga mahirap. Maraming walang trabaho. Sa aking pamumuno, maraming nagkatrabaho. Sa aking pamumuno, we were able to deliver quality basic services. Quality. Sabi nga namin, walang mamamatay sa Makati ng sakit dahil sa kahirapan. Libre libro, libre lahat ng pangangailangan ng mga bata. Nung dumating ho ako, malapit ng mabangkarote ang Makati. 240 million pesos. Meron pang utang na 200 million. Nung ako ho ay umalis, yung 240 million, nagawa ko pong 11 billion pesos. Yun ho ang aking kakayahan na mamuno. Pero ang importante, ang malasakit sa bawat Pilipino. Ako po. Ito po sa aking palagay, the Filipino people deserve no less from a president. Ako po si Jojo Binay ang inyong pangalawang pangulo na kandidato po ngayon sa pagka pangulo. at number one po ako sa balota. Maraming salamat po.

Valdes: At ngayon po, pakinggan po natin ang panghuling pahayag ni Mayor Rodrigo Duterte.

Duterte: Yes. Thank you. In this country, there is trouble everywhere. There's corruption, there's criminality and the flooding of drugs, which is really instilling fear in us in the government. But you know, if you cannot stop corruption, you cannot stop criminality, and you cannot stop drugs. Why? Because some people in the government, not all, are into crime, smuggling of rice, smuggling of everything, smuggling of … and all, and we just cannot… that no progress can ever happen to this country if this thing is around. I will try to suppress crime, I could not promise you heaven. I will try to stop drugs and if president i said in three to six months, I will stop corruption in government. I have to provide security for the present generation and the coming generation would take us into I don't know where but they would be now in command of society. We have to protect the children. We have to end crime. And I said drugs must be suppressed. All of my opponents they have presented a program. I made short remarks. Bullet remarks because all of these are platforms. I can tell you now that I will provide leadership. Not only the platforms but leadership. And maybe copy the best of their programs at ayusin. What's good with his program, Grace, pati kay Mar, I will adopt it if it's good and leadership I will do it.

Valdes: Maraming salamat po, Mayor Rodrigo Duterte. At ngayon naman po, pakinggan natin ang pahayag ni Senator Grace Poe.

Poe: Unang-una maraming salamat sa Cebu. Maraming salamat sa Visayas sa inyong pag-host ng debate na ito. Hindi natin napag-usapan, ganito mga plano natin sa Cebu kung saka-sakaling ako ay maging pangulo. Unang-una, itutuloy po natin ang pangatlong bridge. Kailangan magkaroon tayo ng Mactan Bridge. Ang circumferential road para mabawasan ang traffic. Ang problema sa tubig, dagdagan ang dams dito sa Visayas. Ngayon, dun naman sa ibang lugar katulad sa Iloilo, dapat mailagay na rin ang iniitay na mag tulay. Magmula Iloilo papuntang Guimaras at Guimaras papuntang Negros na konektado ng tulay. Yan po ay ating gagawin. Pagtulong na rin sa marami nating mangingisda na nahihirapan dito dahil na nga sa problema ng kakulangan ng isda, na magtatayo tayo ng mas maraming marine sanctuary at trabaho para sa kanila. Yan po ay para sa Visayas. Pero sa buong bansa, marami pong kailangan gawin. 25 million po ng ating mga kababayan ay pareho pa ring naghihirap at mababa sa 330 pesos ang kinikita sa isang araw. 15 million pa rin ng ating mga kababayan ang nagugutom. Kailangan ay ayusin natin ang ating sistema. Ang korupsyon ay kailangan masugpo. Bilang pangulo, ako mismo ang pipirma. Kailangan mabilis at may determinasyon na hindi kasama ang aking pamilya o ako pa man sa anumang transaksyon o kontrata sa gobyerno. Pangalawa, dadamihan ko ang mga preso kung saan ang mga tiwali sa gobyerno ay ilalagay ko mismo doon, kaibigan man o kaalyado. Pangatlo, yung mga iba ay nagdududa kung kaya ko bang labanan ang droga. Kaya bilang isnag pangulo na maraming inaasikaso, kailangan may mapagkakatiwalaang crime czar, at ilalagay ko ang isang may medal of valor na talagang magaling, si Colonel Querubin na talagang nirerespeto ng PNP at AFP na makipaglaban sa krimen at sa droga. Yan po ay ating gagawin at bilang bisaya ay nais ko pong sabihin, ako po gagawin ko ito, akong isang pinanganak sa Iloilo. Maraming salamat po.

Valdes: Maraming salamat po Senadora Grace Poe. Ngayon pakinggan po natin ang panghuling pahayag ni Secretary Mar Roxas.

Roxas: Madamo nga salamat. Maayong gab-i sa aton tanan. Napamatian na naton ang tanan kag nahambal naman ang tanan. Ibig sabihin nun ay nadinig na natin lahat at nasabi na rin ang lahat. Sa Pilipinas napakahirap maging disente. Madalas ang mag disente, sila pa ang nahuhuli, nahihirapan.  Magbabanat ka ng buto sa pagsasaka, babaratin ka ng trader, at ikaw pa ang lugi, may utang ka pa. Gagawin mo ng tama ang iyong trabaho pero ang sipsip o kamag anak ni bosing, sila ang maganda ang schedule, sila ang mataas ang sweldo. Pipila ka, sisingitan ka naman. Magbabayad ka ng kuryente, kakabitan ng jumper ang linya mo. Itong sistemang ito ang nasimulan nating baguhin sa daang matuwid. Sinita natin ang mga sumisingit, at tinanggal natin ang mga jumper. Alam nating lahat marami pa tayong kailangang gawin. Kailangan nating mapasama sa 4Ps, napakarami pa, milyong mga pamilya na nangangailangan. Kailangan masama natin sa Philhealth ang coverage para sa napakarami pang iba. Marami pang mga tulay, kalye at classroom na kailangan maipagawa. Pero alam niyo, umaaligid na naman itong mga nagja-jumper, itong mga sumisingit dahil nais nilang hijack-in iyong ating magandang nasimulan na. Dapat natin ipaglaban ang Daang Matuwid. Kung may kulang punuan natin. Kung may mali itama natin para dito sa ating bansa, tuluyan na makapamuhay tayo kung saan nagtatagumpay ang disente. Iniimbita ko po kayo. Ibalik natin ang Pilipinas sa mga disenteng tao. Maraming salamat. Magandang gabi sa ating lahat.

Valdes: Maraming salamat. Palakpakan po natin ang ating mga kandidato. At dito po nagtatapos ang atong debate...

END OF DEBATE


    
 

LOADING CONTENT