Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Himig ng mga ina sa Germany


First of all I would like to give my warmest appreciation to GMA- Kapuso Network for this wonderful section "Pinoy Abroad,"that gives opportunities to our "kababayans" to share their special moments,opinions and different life stories to everybody. From a passive reader now I became one of the those active people who wants to relate stories to our fellowmen. Those stories that i have read bring so much aspirations and joy in my life. Unknowingly they touched our hearts. And the greatest achievement of GMA ist to touch our lives and to motivate us to share our own stories without hesitations and limitations. In advance, we thank you for reading our story and for giving us the opportunity to release it in your website. We wish you more power and success! * * * Ang Pinoy nga naman kahit saan mapunta - sa Amerika man o sa Europa - kapag musika ang pag-uusapan tayo ay nagkakaisa at nangunguna. Sa singing competitions, lokal man o International ang Pilipino ay hindi pahuhuli sa tagumpay at kasikatan. At kahit saang sulok ng daigdig ang Pinoy ay kilala sa pagiging Karaoke King and Queen! At pagdating naman sa Koro mapa- Church choir o barangay choir, kapag pinagsama-sama ang tinig ng bawat isa, lulutang ang tunog Pinoy na mula sa puso at puno saya! Sa kauna-unahang pagkakataon dito sa maliit na bayan ng Solms, Germany ay masaya naming ibinabalita ang aming all Filipino choir. Ang Himig P’Inay Singers na made in Germany ay binubuo ng 11 myembro na puro mga dakilang Nanay. Layunin ng grupong ito na makapaghandog ng awitin sa selebrasyon ng “Mother’s Day“ sa 2009. Sa unang praktis pa lang ay damang-dama na namin ang saya ng bawat isa. Sa dalawang oras na pagsasama-sama pakiramdam namin ay kami ay nasa Pilipinas. Lalo na nung kinanta namin ang awit ni Sharon Cuneta na “Sanay Wala ng Wakas.“ Habang ito ay sabay-sabay naming inaawit, pare-pareho naming naramdaman ang lungkot at saya sa aming mga puso. Lungkot dahil kami ay malayo sa aming mga mahal sa buhay. Saya dahil sa sandaling iyun ay nakalimutan namin ang aming mga problema sa buhay. Sabi nga nila sa kantahan na lang natin idaan ang ating mga problema. O kaya imbis na mag-tsismisan at magsiraan e magkantahan na lang. Sa musika doon tayo nagkakaisa. Syempre habang nagpa-praktis ‘di mawawala ang malulutong na halakhakan, tawanan at kulitan. Kulang na lang ang binusa at cola e ‘di kumpleto na ang saya! At nang kami ay nagsimulang umawit ay isang magandang tunog ang aming narinig. Iisang tinig at iisang himig na kay sarap pakingan. ‘Di namin namalayan ang takbo ng oras, tapos na pala ang aming praktis. Sana’y wala na ngang wakas ang sandaling ito. Sabay-sabay kaming nagpaalam na may ngiti sa mga labi at may magandang alaa-ala. Ang araw na ito ay aming winakasan. Ngunit ito ay simula pa lang ng aming pangarap at layunin na makamit ang aming tagumpay! Nais kong pasalamatan ang mga sumusunod na mga dakilang Nanay. Celeste Reinhard (tagapagturo), at mga kasamahan na sina Lucy Becker, Esmeralda Becker, Elen Daniel, Jean Fink, Tierra Krämer, Elisabeth Kubik, Carmen Schäffer,Elena Seliger,Maryann Seliger, Deborah Schneider,Evangeline Schön, Josephine Raubach, Dulce Wörhl, at Lucita palo-Richter - GMANews.TV