advertisement
Filtered By: News
News

Nakaka-miss: Buhay probinsya


Buhay probinsya Ni Francis “Kiko" Morilao Buhay probinsya ay hinahanap-hanap na, sa tuwing kakain ng gulay at isda; Kay sarap gunitain ang pamamalakaya, na ang tanging gawain ay ang pangingisda. Paggising sa umaga, hinahagilap ang bangka, kapag ito'y wala, madaling araw umalis na; Dalangin sa Diyos, madami ang huli n’ya, upang may maihain sa kawayang lamesa. Ito namang si Totoy, walang hilig mangisda, kaya naman sa Maynila, siya ay nagpunta; Doon n’ya nakilala, aking mahal na ina, pangako'y habambuhay silang magsasama. Matapos nilang itaguyod, pag-aaral ko at doktrina, hindi sila nahirapan sapagkat ako'y nag-iisa; Kaya naman noong ako'y mag-asawa, kanilang binalikan, ang buhay probinsya. ---------------------------------------------- Ang aking lolo ay isang mangingisda, akin namang ama'y nakipagsapalaran sa Maynila; Ngayon kanyang apo ay narito sa Doha, nakawilihan ang gumawa ng tula. ---------------------------------------------- Kay sarap balik-balikan buhay probinsya hindi matatawaran; Ang sarap at saya kung saan may umpukan, lasing ang laging bida’t panay ang hagikhikan, sa kwentong barberyang puro kalokohan Sa simbahan nama'y puro litanya Naging kaugalian tuwing Linggo ay magsimba Hayyyy buhay probinsya, aking buntong hininga. - GMANews.TV Tungkol sa may-akda: Si Francis "Kiko" Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na Mga kathang isip ni Kiko. Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
LOADING CONTENT