advertisement
Filtered By: News
News

Huling tawag ni itay


Nais ko pong ibahagi ang kathang isip ko para sa Araw ng mga Ama. Nais ko lang pong ipaalam na ang aking ama ay pumanaw noong Agosto 26, 2003. Hindi po siya nagtrabaho sa abroad ngunit ang mga katagang nakalagay sa aking katha ay kay tatay nagmula. "Huling tawag ni itay: 'Nak musta ka na?' Okay lang ako papa, ikaw? Mainit ngayon dito sa Middle East, simula na nang summer. Nagluto na ako ng madami kasi mamaya ay pupunta na kami sa gitna ng dagat, 'dun sa pinakailalim dahil may bagong langis kaming na-survey, mga ilang araw din kami 'dun. Mag-ingat ka papa ha? Oo naman. Totoo bang na promote ka sa work mo sabi ng nanay mo? Opo, surprise nga sana eh inunahan ako ni nanay. Alam kong kaya mo ‘yan kasi masipag ka, ingatan mo ang trabaho mo d’yan, at kapag wala kang pasok ay magpahinga ka, magsikap ka sa trabaho mo dahil ‘yan ang turo ng Diyos.

Alam kong nasa mabuting lugar ka na ngayon itay. Nais kong malaman mo na sinunod ko lahat ng utos mo. Mahal na mahal kita itay!"
–Francis Morilao
Kasalanan ang maging tamad, isang malaking kasalanan sa isang magulang na hindi magtrabaho para sa kanyang mga anak. Hanggat kaya mo at mayroon kang pagkakataon. Utos 'yan ng Diyos, make it your ambition to work with your hands. Godly people are working people. At huwag magnanakaw, 'yung bagay na hindi mo pinaghirapan ay pagnanakaw 'yun. Nakakahiya 'yung iba na hindi nagtatrabaho pero kain lang ng kain dahil kapag nagtrabaho ka, may pera ka at lagi mong tatandaan ito, huwag kang mandaraya sa trabaho, magsamantala o may halong kasinungalingan kasi hindi tama. Opo. Kumusta na ang mga apo ko? Lalong-lalo na si Concon, malaki na siguro siya. Mahalin mo ang mga anak mo, turuan mo sila ng tamang pag-uugali, turuan mong maging masipag gaya mo. Magkaka-edad ka rin tulad ko kaya turuan mo sila ng wasto gaya ng pagpapalaki namin sa'yo ng nanay mo. O sige na mauubos na ang load ko. Ingat kayo d’yan..." Papa happy Father’s Day po. Next week pa yun, thank you. Tatawag ako ‘pag ahon namin... love you ingat papa... love you. Alam kong nasa mabuting lugar ka na ngayon itay. Nais kong malaman mo na sinunod ko lahat ng utos mo. Mahal na mahal kita itay! – GMANews.TV Francis Morilao ng Doha, Qatar Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
LOADING CONTENT