advertisement
Filtered By: News
News

Saliksikin ang sarili, Pilipino ka bang maituturing?


Kaugnay sa nangyaring hostage tragedy, kaming mga OFW ay lubhang nabahala at naapektuhan. Ako po’y lubos na kikiramay sa mga kamag-anak ng nasawing mga Chinese national. Kami man ay naapektuhan lalung lalo na ang mga kababayan ko sa Hong Kong. Ito lang po ang masasabi ko at paninindigan: Pilipino Ako ni Francis Morilao sa Qatar Magiging matatag akong nakatayo at iwawagayway ang bandila ko dahil alam ko sa sarili ko ako'y isang marangal na Pilipino Anuman ang sabihin ng iba anuman ang kanilang ihusga hinding hindi ko ikahihiya ang Pilipinas ang aking bansa Kung ikaw ay tunay na Pilipino dapat na ipanalangin mo ang bansang pinagmulan mo sa panahong may pagkakagulo Nagkamali man ang iilan sa kanilang padalos-dalos na paraan hindi ito ang basehan upang pagka-Pilipino ay talikuran Kahit ibang bansa’y tayo'y pinagtatawanan dapat pa rin na tayo'y magtulungan ano ang mararating kung tayo'y watak-watak adhikain ay makakamit kapag tayo'y matatag Bakit ka panghihinaan ng loob? sa mga ganitong pagsubok kung hindi ka naman kasangkot sa kanilang mga sigalot Manahimik ka na lang at ikaw'y manindigan kaysa sasabihin mo'y walang katuturan isa lamang kasiraan sa iyong Inang Bayan Tunay ka bang may alam? O nagdudunung dunungan sa dami ng iyong kadaingan pulos pansariling kapakanan Imbes na manalangin kung sinu-sino ang sisisihin ako sana'y iyong dinggin sarili mo ay saliksikin Pilipino ka bang maituturing? – GMANews.TV Mga Kathang Isip ni Kiko Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
LOADING CONTENT