Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Nanghihina Ka Na Ba, Kabayan?


Kumusta po. Matagal na rin akong hindi nakapagbibigay ng bagong katha. Nais ko pong kumustahin ang kapwa ko OFWs dito sa Gitnang Silangan, ganun na rin ang iba pang nasa karatig-bansa. Nais kong pong magbahagi ng isang tulang tanong: Nanghihina Ka Na Ba Kabayan? ni Francis Morilao Mapalad ka aking kababayan, 'pagkat lakas ng loob ang iyong puhunan sa pagpunta dito sa Gitnang Silangan Marami sa atin, pinangungunahan ng takot umiiwas na sila'y malungkot hindi bale nang walang perang madukot basta't magkakasama sa maliit na kumot Sino ba ang ayaw guminhawa? kahit na magpaalila sa mga banyaga kung ang kapalit naman ay ginhawa ni ina Kahit anong init aking iinumin kahit anong lamig aking lulunukin muli't muli kong sasariwain lakas ng loob ko'y hindi mananakaw sa akin Huwag mo sabihin sa akin pinanghihinaan ka na rin palitan mo ng ngiti ang bawat hikbi palitan mo ng tuwa ang bawat luha Unti unti mong mapupuna kay bilis ng araw ikaw pala'y uuwi na. – GMANews.TV Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!