Filtered By: News
News

‘Ang Listahan’ (Pag-alala sa mga kababayang pumanaw)


‘Ang Listahan’ (Pag-alala sa mga kababayang pumanaw) Ni Francis “Kiko" Morilao

Sa pagpatak ng iyong luha at hikbi ng pagkaulila tayo na nangingibang-bansa mahalin natin ang ating pamilya Dahil sa panahong tayo'y mahimlay na at mapabilang sa listahan sa ibaba tanging masasayang alaala sana ang iwanan natin sa ating pamilya

May kanya-kanya tayong listahan maiksi man o may kahabaan listahan ng ating ginagampanan o kaya naman'y sa lugar na pupuntahan Tiyak na hindi makalilimutan kung naisulat sa listahan ang mga nais bilhin 'pag pumunta sa tindahan Ako ay may inihandang listahan mahabang panahon kong pinaghandaan upang mambabasa ko ay gabayan hindi para saktan ang kanilang kalooban Ang listahan sa ibaba pangalan ng mga namayapa na iniwan ang kanilang pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa Habang inyong binabasa nawa'y inyong maalala ang hirap na dinanas nila pati na ang kani-kanilang pamilya Sa pagpatak ng iyong luha at hikbi ng pagkaulila tayo na nangingibang-bansa mahalin natin ang ating pamilya Dahil sa panahong tayo'y mahimlay na at mapabilang sa listahan sa ibaba tanging masasayang alaala sana ang iwanan natin sa ating pamilya Kung ikaw man ay nalungkot hindi ko sinasadyang manakot nawa'y sa listahan ko'y may mapulot pagmamahal sa pamilya'y 'wag ipagdamot:
"Sa pagpatak ng iyong luha at hikbi ng pagkaulila tayo na nangingibang-bansa, mahalin natin ang ating pamilya"
Listahan ng ilan nating kapwa OFWs na pumanaw: *Flor Contemplacion *Jenifer Bedoya *Juana Tejada *Emmanuel "Bong" Madrigal at anak na si Regina Mia *Marlon Cueva *Haydie de la Calzada *Mark Lloyd Carmen *U.S. Marine Corporal Dave Michael Maliksi Santos *Army Private First Class JR Salvacion *Norbert Malana Hobayan *Pilot Henry Bulos *co-Pilot Rene Badilla *Nilo Medina *Ibelo Valbuena *Mr Castillo *Mr. Padora *Norhaisa Nasa Andao *Asria Samad Abdul *Maricar Cente *Grace Fabian *Romelyn Eroy Ibanez *Leovina Tolentino *Geodetic Engineer Hilario Cellero Fudalan at iba pang Joselito Zapanta at Jakatia Pawa na nakapila sa death row; Sa paggunita ng araw ng mga yumao ako po ay lubos na nakikiramay sa mga naulilang asawa at mga anak nawa'y sa tula kong ito, maibsan ang inyong lumbay Dalangin ko sa Diyos na makapangyarihan ang mga OFW sana'y magkaroon ng sariling himlayan himlayang iba sa pangkaraniwan himlayan ng makabagong bayani ng kasalukuyan. – GMANews.TV Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!