Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Pangarap Mong Tangan


Magandang Araw po sa mga masugid na mambabasa ng GMANews.TV. Nais ko pong ibahagi ang tulang ito sa mga katulad kong OFW na patuloy na pinalalakas ng kanilang mga pangarap. Pangarap Mong Tangan ni Francis Morilao Pangarap mong tangan-tangan Isapuso't huwag kalimutan Tulang ito'y maging kalakasan Diyos nawa'y ikaw'y gabayan Ano nga ba ang halaga ng inaasam mong tala? Kung natapakan mo naman ang nagturo, ang naggiya Sa rurok ng tagumpay parang walang papantay Tila walang kamalay-malay sa kinabukasang naghihintay Mapalad silang payak kung mangarap Simpleng buhay kaunting sarap Sama-samang kumakain sa masiglang hapag Magkayakap kung matulog, siksikan sa lapag Hindi masama Na tayo'y mangarap Kung sasamahan Yaring pagsisikap Kaginhawaan Pagkatapos ng hirap Walang kasing tamis Walang kasing sarap Sa kahuli-hulihan'y maging inspirasyon ka Ipakitang may pangarap kung wala ang iba Magugulat ka sa iyong makikita Ningning ng iyong tala sa kanila'y pagpapala. – GMANews.TV Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso