Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Tula: Ikaw Ang Dahilan


Maganda araw po muli sa inyo mga Kapuso. Nais ko pong ibahagi ang bago kong tula para sa aking mga kapwa OFW. Nawa'y maging daan ito sa kaginhawaan ng kalooban ng bawat OFW na may mga pangarap at sa muling pagbabalik sa Pilipinas. Ikaw ang dahilan ni Francis Marilao Ikaw ang dahilan ng aking pakikipagsapalaran hindi ko nais na ikaw ay iwanan kahit na ako'y nangibang-bayan ang puso ko’y sa iyo nakalaan Isang kahangalan ang sabi ng ilan walang utang na loob kanilang ibinibintang ngunit kung ako'y iyong pakikinggan damdamin ko'y lubos na mauunawaan Pamilya ko'y aking nilisan hindi upang sila'y talikuran bagkus maging kanilang sandigan sa pagharap sa iyong may pagkukulang Ikaw ang dahilan kung bakit lumisan dahil sa pagbabalik ko'y ikaw'y nais paglingkuran maging bahagi sa iyong tahanan dahil ito ang aking inaasam Hindi mo ako kailangang sumbatan 'pagkat desisyon ko itong aking paglisan masakit man sa aking kalooban ikaw kasi ang aking dahilan Ngayong ako'y naririto bigyan mo naman ako ng respeto dolyares na pinapadala ko hindi naman pinupulot dito Nais kong malaman mo na dito sa aking puso ikaw pa rin ang babalikan ko sa tamang panahon ito'y aking pangako Sa aking pagbabalik, ito ang aking inaasahan muling pagtanggap sa aking mayamang isipan na hinubog ng pangingibang bayan laan para sa iyo 'pagkat ikaw ang dahilan Ikaw, ikaw na aking inang bayan Nakakalungkot isipin napakahirap tanggapin na maging dayuhan sa ibang lupain ngunit ito ay aking kakayanin dahil ikaw ang dahilan ng aking saloobin. -- GMA News Francis Morilao Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!

LOADING CONTENT