Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Sa Aking Pagbabalik Sa Bayan Kong Sinilangan


Magandang araw po mga Kapuso. Halos lahat po ng OFWs ay may pangarap na makabalik sa ating mahal na Pilipinas sa tamang panahon. Ano nga po ba ang ating dadalhin pag-uwi? Muli po, nais kong ibahagi sa aking mga kapwa OFW ang isang munting tula na naglalayong maging inspirasyon sa ating mga mambabasa. -- Francis Morilao Sa Aking Pagbabalik, Dala Ko Ay Karunungan Sabihin man ng ilan na ako ay nangibang-bayan at kanilang hinusgahang iniwan ang lupang sinilangan Hindi ko pa rin magagawang bayan ko ay kalimutan 'pagkat buo ang aking kaisipang maging isang huwaran sa bansang aking pinuntahan Ano nga ba ang aking ginagawa dito sa Gitnang Silangan? tanong sa akin ng isang kaibigan samantalang ako nama'y may ibayong kaalaman Sagot ko'y kalinangan sa aking kaalaman mabuti na lamang at may mga dayuhang may tiwala sa aking kakayahan Hindi nagtatapos dito ang usapan hindi para sa pansariling kapakanan kundi sa malawak na kinabukasan para sa "kabataan" sa aking INANG BAYAN Sa aking pagbabalik, dala ko ay karunungan karunungang nalinang ng pangingibang-bayan pag-asang hatid para sa kabataan pagbabagong tugon sa pag-unlad ng kinabukasan. -- GMA News Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!