Filtered By: Topstories
News

Transcript: Round 3 of PiliPinas Debates 2016


The five people aspiring to become the president of the Philippines shared the stage for the very first time last Sunday in the Mindanao leg of the PiliPinas Debates 2016. Below is the transcript of the third round, where the candidates were grilled about Mindanao issues.

Davao City Mayor Rodrigo Duterte and former Interior Secretary Mar Roxas

John Nery: May nagpadala sa amin ng litrato sa social media. Makikita rito ang isang maputik na kalsada at ilog na walang tulay sa Zamboanga. Galit na raw ang mga katulad ni Ken Shariff dahil matagal na nilang hinihiling ang maayos na tulay at kalsada. Kung ikaw ang magiging pangulo, paano mo tutugunan ang hinaing ni Ken? At paano mo maiiwasan ang irregularities sa mga infrastructure projects.

Duterte: I will have to tell you that 65 percent or 64 percent of the infrastructure projects are here in Manila and I also want you to know that 19 percent lang ang binigay sa Region 19 (sic). Well, of course that is the disparity and that is why the Mindanoans are asking you know, galit na galit si Allah kasi ang aming lawful share sa taxes, hindi binibigay. Remember that Mindanao contributes to the country's coffers 54 percent of the total export earnings in dollars, magkano yan – well, it would depend on the given day but ang Mindanao kasi ang nagbibigay ng agricultural products sa country na ito. 

19 billion only for Region 11. I don't know how much the others are getting. 'Yan ho. It is disparity and that is why people are clamoring for a federal government. I-dissipate na muna natin 'yung central powers for after all that is a symbol of our being oppressed as a people a long time ago. You have to give us our share and of course, we have to restore law and order.

Mike Enriquez: Secretary Roxas, ano po ang masasabi niyo sa sinabi ni Mayor Duterte?

Mar Roxas: Unang una ay tutugunan natin ang pangangailan ng pagtayo ng tulay kung saan mang bayan 'yun. Pero habang totoo na napag-iwanan ang Mindanao, hindi na po yan ang nangyayari ngayon. 

In fact, Mindanao today has twice the amount of infrastructure in the last five years than it had in the last 12 years. P260 billion ang dumating sa Mindanao nitong nakaraang limang taon kumpara sa P125 billion noong 12 taon ni Gloria at ni Erap so hinahabol na natin, lumalaki na ang ating pagtugon sa pangangailangan ng Mindanao. Is this enough? Hindi pa, kaya tuloy-tuloy ang ating programa na kung saan mas maraming infrastructure tulad ng nakita natin paglanding sa Laguindingan, papasok dito. 'Yan nangyari sa Daang Matuwid, 'yan ang halibawa ng mga infrastructure na pinarating na natin sa Mindanao.

Enriquez: Mayor Duterte, meron ba kayong reaksyon?

Duterte: Wala naman akong nakitang Tuwid na Daan, puro kulubot man 'yan. I said this year, the budget was given to Manila the largest portion of it, 64 percent. Ang binigay sa Region 11, 19 billion, kanila 64? So how can you expect Mindanao to develop? You do not count the accounts that what was given to us with the last five years. Naubos yun sa corruption or sa incompetence.

Former Interior Secretary Mar Roxas and Vice President Jejomar Binay

John Nery: Sa pinakahuling Pulse Asia survey, lumalabas na pangunahing isyu ng mga kabataan sa Mindanao ang problema ng ilegal na droga. Sa buong bansa, 1.7 million ang lulong sa droga. Kapag ikaw ang naging pangulo, paano mo tutugunan ang problemang ito? Ano ang gagawin sa mga drug cartel? Kailangan bang ibalik ang death penalty para masolusyonan ang problema?

Roxas: Ang droga ay isa sa mga pinakamatinding problema na hinaharap natin bilang isang lipunan. Walang pamilya sa ating buong bansa na hindi tinamaan sa problema ng droga.

Tututukan natin ito. Natutukan na natin ito at tututukan natin ito sa pamamagitan ng, sa taas, paghabol kumbaga sa sibat, 'yung tinatawag natin na Lambat-Sibat. Hahabulin natin 'yung mga cartel, tulad ng ginawa namin sa PNP noong ako po ay DILG (secretary). Mahigit dalawampung... mahigit dalawang bilyon ang halaga ng droga ang nahuli nu'ng kapanahunan ko, 'yan ang mga cartel.

Sa baba naman, sa pamamagitan ng Lambat, policing — street, sitio, and house-level policing ang kinakailangan.

Ganunpaman, hindi natin malulutas ang problema ng droga kung aasahan natin ang pulis lang. Ito ay problema ng buong lipunan. It takes all of us coming together — mga guro, mga magulang, mga kapitbahay — lahat po ng lipunan dapat magtulong-tulong para malutas natin ang problema ng droga.

Hindi po ito madali. Malaking pera ito. Kasama na 'yung mga corrupt, iba politiko, iba mga pulis. So anti-corruption pa rin ang pinakamahalagang sandata para malabanan natin ang droga.

Jessica Soho: Ang inyo pong reaksyon, Vice President Binay. Sixty seconds.

Binay: Unang una, ang problema po diyan mahina ang enforcement. Nandiyan po, nalalaman 'yung mga illegal drug syndicates, ano ho ang ginawa? Wala masyadong hinahabla. Kung may nahahabla naman, wala namang nangyayari.

Kasi, isa pa, hindi ho effective. Hindi ho decisive ang leadership.

Ako ho sa Makati, inabutan ko 'yang problemang 'yan, 'yang problema ng droga. Pero ako ho ay decisive — wala tayong papayagang yang mga kaso ng illegal drug syndicates. Ako, tuwing naghaharap-harap kami, tinatanong ko, 'Oy ano na ba 'yung mga kaso? Nagawa na ba? Nasolusyonan na ba?'

Uulitin ko, 'yung sa death penalty... Hindi ako naniniwala sa death penalty. Gawa po ng Diyos 'yan, e. Hindi dapat nating gawin 'yan.

Uulitin ko, kailangan lang decisive ang pagharap sa problema. 'Yun ang wala kaya nandiyan pa rin ang problema.

Soho: Sec. Roxas, counter-rebuttal po.

Roxas: Nabanggit ni Vice President Binay ang Makati. Pero 'di ba ang totoo, dalawa ang Makati: ang Makati ng mga Ayala na  maunlad, maraming trabaho, at Makati ng mga Binay, na mahirap pa rin... Comembo, Rembo. Nandiyan pa rin ang mahihirap, nandiyan pa rin ang mga droga. In fact, Makati has the highest drug rate! Lahat ng mga mayayaman, lahat ng mga clubs, bawa't Biyernes, Sabado, nandiyan laganap ang droga sa Makati.

Soho: Maraming salamat po, dating DILG Secretary Mar Roxas.

Binay: Puwede pong sumagot?

Enriquez: Mabilis lang po, sige po, Vice President.

Binay: Ewan ko kung saan 'yung statistics ni Mr. Roxas... Hindi ho naging problema sa amin 'yung droga. 'Yung Rembo, naku, masaya ho 'yung mga tao doon kasi 'yung mga lupa doon ay naibigay ko! At malaki na ang halaga. Wala hong kahirapan sa Rembo. Sa buong Makati, nakapag-deliver po kami at naiangat namin ang buhay ng bawa't taga-Makati.

Enriquez: Maraming salamat po —

Roxas: Dadalhin ko po si VP Binay sa mga housing kung saan nila inilagay ang mga nailipat nila para makita kung gaano pa rin kahirap ang mga taong inilipat nila.

Vice President Jejomar Binay and Senator Miriam Defensor Santiago

Nery: Sa pag-iikot namin sa Mindanao, lumalabas na nais ng mga kabataan na maipasa ang anti-political dynasty bill. Kayo po ay kabilang sa isang political dynasty. Paano ninyo bibigyang prayoridad itong panukalang batas na ipasabuhay ang Constitutional provision laban sa political dynasty.

Binay: Unang-una po ay kailangan maging maliwanag ho kung ano ba ang dynasty na tinutukoy. Oo nga'at andiyan na po sa Saligang Batas na laban ang dynasty pero hindi ho magkasundo kung ano ba ho ang definition ng political dynasty.

Bakit naman ho magkakaroon ng batas para pagbawalan yung gustong magtrabaho, qualified naman at mahahalal naman sa isang malinis at marangal na halalan. Hindi naman ho guarantee na porke kamag-anak ay mananalo. Ang Maynila, tadtad ng anak, asawa, lahat ho natatalo.

Uulitin ko lamang, kailangan lang po magkaroon ng malinis at marangal na halalan. Nagsimula siguro ito kasi noong unang panahon nago-ovespending, patayan, at iba pa. Pero kung qualified, gustong magtrabaho, eh bakit naman ho. Basta't dadanin sa marangal at malinis na halalan. Vox populi, sabi nga, eh kung gustong ng tao, bakit ninyo haharangin? Dahil lang sa kamag-anak?

Enriquez: Senadora Miriam Defensor Santiago, reaksyon please.

Santiago: The anti-dynasty provision is found most of all in our Constitution and it's a basic principle of Constitutional law that anything written in the Constitution, without more and without less, should be literally applied, if possible. Sinabi Sabi na ng Constitution eh, pero hanggang ngayon 'di pa nasasabatas ang aking bill na anti-dynasty, kaya hindi natin defined kung sino ang members ng dynasty.

Ano ang mga patakaran para ma-subsume sila, ma-form part sila ng isang dynasty. Dapat may batas na ganoon. Pero ang sinasabi ng mga miyembro ng kongreso na malabo? Pero ang totoo diyan, self-interested sila. Gusto nila ng dynasty dahil dynasty ang pinanggalingan nila o pupuntahan nila. Ngayon, kung ayaw nila noon, 'di we have amend the Constitution. But while it's there, it must be obeyed. The Constitution is always and always supreme.

Enriquez: Salamat po Senadora. Ano po ang masasabi ninyo diyan, Mr. Vice President?

Binay: Si Miriam mayroon ho siyang anak na halal. Kung malabo ho ang definition ng dynasty eh, eh iyan ho ang problema natin. Tama ho si Miriam, mayroon sa Constitution, ang problema walang implementation ng batas, kaya ho tayo nagkakagulo pa.

Enriquez: Parang may gusto kayong sabihin kanina, o sige na nga Senadora. Maikli lang.

Santiago: Kasi mali ang sinabi. Ang anak ko noon, tumakbo na party-list representative. After one term, he did not run for another post.

Enriquez: So wala po kayong anak sa gobyerno ngayon?

Santiago: Wala.

Senator Miriam Defensor Santiago and Senator Grace Poe

Nery: May mga nagsasabing para madepensahan ang Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea, kailangan natin ng EDCA or Enhanced Defense Cooperation Agreement. Pero pangamba naman ng ilang kausap namin, lalo na dito sa Cagayan De Oro, na ang mga lugar katulad ng Lumbia Airport na gagamitin para sa EDCA ay magiging militarized. Kayo po ba ay pabor sa EDCA? Kung hindi, ano ang nakikita ninyong alternatibo para madepensahan ang Pilipinas laban sa banta ng China.

Santiago: I am against the EDCA. In fact I was the sponsor and author of the resolution in the Senate expressing the sense of the Senate that the EDCA should first pass the Senate which is what happens to all other treaties. Bakit ito pinirmahan lang ng mga opisyales ng executive department nang hindi binigay sa Senado, na lahat ng  ibang mga treaty, ganun ang paraan noon.

Kaya galit talaga ako diyan, dahil parang naging sunod-sunuran tayo. Itong dalawang higante, ang China at ang United States parehong gustong kontrolahin ang Pilipinas. Bayaan ,p na kung ano ang ambisyon nila sa mga sarili nila. Pero huwag nila tayong idamay. Kaya pareho lang 'yan na mga ganid. Ang China gusto niya lahat ng produce kanya na. Kaya ayaw sa atin makipag-usap ng China ng one-on-one. Pilipinas halimbawa atsaka China, Vietnam and China ganoon. Ang atin namang gusto collective, lahat ng ASEAN, magka-sama sama lahat sila at kausapin ang China.

Ngayon, ayaw ng China 'yun kaya hindi na talaga maresolba 'yan. Kaya ang katotohanan diyan ay parehong gusto kontrolahin ang South China Sea na tinatawag o West Philippine Sea nitong dalawang bansa na ito.

We have to stand for our sovereign rights. I am willing to join any movement to declare our independence from imposed sovereignty.

Enriquez: Senadora Poe, meron po kayong 60 seconds, ang inyong reaksyon.

Poe: Sang-ayon ako kay Senator Miriam na dapat talaga ay dumaan ito sa Senado para masuri kung ito ba ay bagong kasunduan o hindi. Ito po ang ilagay natin sa ating isip: Wala pong isang bayan na mag-iisip kung ano ang mas maganda para sa kanilang kapitbahay o para sa kanilang kaalyado. Ang una nilang iisipin ay ang kanilang sarili. Ngayon, ang isipin natin ay ang ating sarili. Ano ang pwede nating makuha sa kasunduang ito? Oo nandiyan sila, isang bigatin na puwede tayong bantayan pero naalala ba ninyo, nung nandito yung base militar, kahit papaano binabayaran tayo ng mga Amerikano. Pero ngayon dahil dito sa EDCA libre ang kanilang pagiging dito.

Ito ang masasabi ko: kahit maliit na bansa tayo kung ikumpara natin sa China, bakit ang Singapore puwede nilang palakasin ang kanilang military. Hindi sila basta-basta inuuto ng ibang bansa. Kaya rin natin yan . Ngayon paunti-unti, palakasin natin ang ating military. Kausapin natin ang China constructively pero let's stake a leadership role in the ASEAN so that if we can follow a particular code of conduct that can be followed by the other countries in the ASEAN.

Enriquez: Salamat po, Senator. Senadora, you have 30 seconds.

Santiago: Yes, there will always be different levels of negotiation between the Philippines and other foreign countries that we deal with. The first track, is always to exchange notes. For example, the Philippnes already protested the activities of China in these disputed seas. That's the first track. But if it does not take effect, we have to go to the second track. We have to negotiate with China together with the other Asian countries.

Senator Grace Poe and Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Nery: Hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law dahil na rin siguro sa nangyari sa Mamasapano. Kapag kayo po ang nahalal, isusulong ba ninyo ulit ang BBL o mayroon kayong ibang programa? Iyong paglinaw po sa nangyari sa pagpatay kay Marwan, kasama pa po ba iyan sa solusyon?

Poe: Mr. Nery, ang nais ko po ay magkaroon ng isang transparent, inclusive, at sustainable na pag-uusap at saka kasunduan. Kailangan talaga sa pagbuo ng bagong kasunduan o pagtulak nito, kailangan isama natin lahat ng mga grupo, MILF, MNLF. Lahat ng mga grupo, hindi lang Maguindanaoan, kundi Tausug, Maranao, Badjao o kung ano pa, pati yung mga IPs, pati mga Kristiyano dito sa Mindanao na bumubuo nito.

Pangalawa, habang nag-uusap tayo, kailangan ay sundan natin ito ng mga proyekto para sa Mindanao. Ako po ay isa sa mga gustong magtulak talaga na magkaroon tayo ng Mindanao Rail. Noong 1992 pa po ito pinag-uusapan. Siguro nasa lagpas 70 billion ito. Kaya na natin ito tugunan sa mga panahon na ito.

Kailangan rin natin ayusin ang problema sa kuryente dito sa Mindanao. Kailangan natin i-rehabilitate ang Angus [Agus] at Pulangi Dam sapagkat ito po ay heavily silted na. Imbis na 900 megawatts, nagiging 600 megawatts of power lamang ang naibibigay dito.

Importante na magkaroon ng trabaho dito sa Mindanao kaya nga po sa aming budget kasama diyan ang imprastraktura, 2,000 kilometers na kailangan natin ipasemento at ipaayos. Magbibigay ng temporary na trabaho pero pagkatapos noon mahihikayat natin ang turismo at ang mga mamumuhunan dito na pumunta dahil mas maayos na ang mga kalsada. Kasama sa usap ng kapayapaan ay development.

Soho: Rebuttal, reaction, Mayor Duterte? Meron po kayong 60 seconds.

Duterte: Let me focus on Mindanao, on what is happening today. With the failure of BBL, there is a great, great hurt there. Unless I said we can come up with another card, which is federalism, nothing, nothing at all can appease Mindanao. Iyan ang nangyayari diyan. And that is why it is very important na kung ako ang pupunta diyan, I would not only offer the BBL with the same configuration, but I will offer federalism to all pati kay Nur Misuari on the western side.

That would maybe appease everybody because every Moro politico would like to see federalism kasi pumalpak nga ang BBL. And we have to do this because I said nothing, nothing short will appease and bring peace to Mindanao. Iyan ang importante sa lahat diyan. You have to right the historical wrong committed against the Moro people.

Soho: Counter-rebuttal, reaksyon, Senadora Grace Poe. Ano po ang inyong tugon? 30 seconds. 

Poe: Ginagalang ko ang sinasabi ni Mayor Duterte, talaga namang dapat pag-usapan natin kung makabubuti yung fedelismo sa ating bayan, ang pinakamalapit na example natin ng Federalismo ay ang ARMM. Ngayon, gawin natin ito sa umpisa ng termino ng isang pangulo kung ano ang makakabuti pero sa tingin ko ay ang kailanganng sa ating mga kababayan ay devolution of powers na kung saan ang local government ay mas may prerogative sa paggasta ng kanilang pondo. Sa ngayon po, dapat 40 percent, pero less than 30 o mga 30 percent lang ang nabibigay sa local government. Mali po iyon. Kailangan ay taasan natin.

Transcript: Round 1 of PiliPinas Debates 2016

Transcript: Round 2 of PiliPinas Debates 2016