Filtered By: Topstories
News

Fetus, bomba nahukay sa Sta. Maria, Bulacan


MALOLOS CITY— Isang vintage bomb at fetus ang nahukay ng mga obrero sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Sta. Maria sa magkasunod na araw. Ayon kay Supt. Ronald de Jesus, hepe ng pulisya ng Sta. Maria, ikinagulat ng mga obrero nang mahukay nitong Martes ang isang vintage bomb sa loob ng Patria Jasminet compound sa Brgy. San Gabriel. Ang bomba ay tumitimbang ng limang kilo ay kaagad na ipinadala sa bomb disposal unit ng Camp General Alejo Santos sa Malolos. Bago nito, isang limang buwang fetus naman ang nahukay ng mga obrero sa loob ng bakuran ng simbahan sa Brgy. Poblacion Sta. Maria noong Lunes. "Nagulat yung diggers kasi akala nila ay plastic lang ang nahukay nila," ayon kay de Jesus patungkol sa plastic ice cream container na nahukay sa loob ng bakuran ng simbahan. Hinihinala ni de Jesus na kalilibing lang ng fetus dahil sa sariwa pa ang dugo nito. - GMANews.TV