Filtered By: Topstories
News

Magulang ni Maureen galit sa pagpapalaya kay Teehankee - report


MANILA - “I hope they can sleep at night." Ito ang mensahe ni Vivian Hultman, ina ni Maureen Hultman na binaril at napatay noong 1991 ni Claudio Teehankee Jr., na pinagkalooban ng executive clemency ni Pangulong Gloria Arroyo noong nakaraang linggo. Sa panayam ng GMA news’ Saksi nitong Martes, Sinabi ni Gng Hultman na nabigla sila nang malaman na pinalaya ng administrasyong Arroyo si Teehankee. “All this news that they got today was so shocking to us. We're paralyzed by the news that he (Teehankee) is already out," ayon kay Gng Hultman. Nang tanungin ng news anchor na si Vicky Morales kung ang kanyang mensahe ay para rin kay Pangulong Arroyo, sagot ni Gng Hultman, “Yes, ma’m." “This is a disgrace to the Filipino nation. This is the highest form of injustice in the country and I’m really, really ashamed to be a Filipino," idinagdag ni Gng Hultman na sa ibang bansa na ngayon naninirahan. Si Maureen, kasama ang kaibigan na si Roland John Chapman ay binaril ni Teehankee noong 1991. Himalang nabuhay naman ang kasama nilang si Jussi Leino na nagsilbing testigo sa krimen. Taong 1995 nang hatulan ng korte si Teehankee na makulong sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Sa hiwalay na panayam sa telepono sa QTV’s News on Q nitong Martes ng gabi, sinabi ni G Anders Hultman, adoptive father ni Maureen na "gulat, galit at lungkot" ang naramdaman ng kanilang pamilya nang malaman ang paglaya ng taong pumatay sa kanilang anak. "I'm very, very disappointed. President (Fidel) Ramos didn't touch this case. President (Joseph) Estrada didn't touch this case. And now (President) Arroyo, She secretly and sneakily released him (Teehankee)," ayon kay G Hultman. Itinuring nito na parang panakaw ang ginawang pagkakaloob ng pardon kay Teehankee na sa simula pa lang nang makulong ay nakita umano niyang tumanggap ng “highest performance of VIP treatment we’ve ever seen." Nagpasaring din siya na may katiwaliaan sa pagpapalaya kay Teehankee na nilabag umano ang proseso sa pagkakaloob ng pardon sa isang bilanggo. “I think this is a complete violation of the law. It's unfortunately, I'm sorry to say, it's corruption. And from the highest level of the country," aniya. “The sad part is not that Teehankee has been released. He killed her (Maureen), everybody knows that. But I guess the saddest part is where is the Philippine system is heading. What does this say about the country?"idinagdag niya. May 291 na iba pa Sa pulong balitaan sa Malacanang nitong Martes, ipinagtanggol naman ni Press Secretary Jesus Dureza ang desisyon ng Malacanang at iginiit na isa lamang si Teehankee sa 292 bilanggo na pinalaya ni Gng Arroyo ngayong taon. Ipinaliwanag niya na 15-taon na sa kulungan si Teehankee at nagpakita ng mabuting asal sa loob ng bilangguan at napababa na rin ang sentensya. Binatikos ni Dureza ang mga kritiko ng pamahalaan na naglalagay umano ng malisya sa ibinigay na pardon kay Teehankee, kasabay ng pakiusap sa media na ibalita rin ang iba pang nabigyan ng kalayaan ng pangulo. "Unfortunately, or fortunately for us we should not be taken for a ride by those who have other ways of viewing this. Mr. Teehankee is entitled as everyone else to avail of the rules and regulations under the Board of Paroles and Pardon," paliwanag ni Dureza. Nanindigan naman si Executive Secretary Eduardo Ermita na nasa kapangyarihan ng Pangulo ang magkaloob ng clemency na dapat umanong tanggapan at irespeto ng lahat. Mula noong 2005, sinabi ni Ermita na nagkaloob si Gng Arroyo ng clemency sa 285 bilanggo noong 2005, 389 noong 2006 at 465 noong 2007. "Mr. Teehankee should not be treated separately, except for that fact that he happens to belong to a prominent name…As of today, 292 including Mr. Teehankee. So there is really nothing very special about it, aside from the fact that he is a prominent personality," pahayag ni Ermita. - Fidel Jimenez, GMANews.TV