Filtered By: Topstories
News

Bitbit na pera sa Moscow walang iregularidad, ayon sa PNP


MANILA – Nanindigan si retired policeman Eliseo Dela Paz nitong Miyerkules na walang iregularidad sa dala niyang €105,000 (o P6.9 milyon) sa Moscow na naging dahilan para pigilin sila ng kanyang asawa na makabalik sa Pilipinas noong Sabado. Sa panayam ng GMA News’ 24 Oras, sinabi ni Dela Paz, dating comptroller ng Philippine National Police, na aboveboard o aprubado ng liderato ng pulisya ang dala nilang halaga ng asawa niyang si Meeah. "Everything is aboveboard, everything that has been done. Unfortunately ang naging lapse lang namin is we're not able to declare it. We don't know about it," paliwanag ni Dela Paz na nanatiling nasa Russia kasama ang asawa. Ang mag-asawang Dela Paz ay bahagi ng delegasyon ng PNP na dumalo sa Interpol 77th General Assembly na ginanap noong October 7 - 10 sa St. Petersburg. Sinabi ni Dela Paz na ang pera ay contingency funds para sa mga opisyal ng PNP na dumalo sa nasabing pagtitipon pero hindi umano ito nanggaling sa Russia. "We told them na 'yung iba, pera ito ng PNP yung dala namin. Plus meron din kaming personal money and some, sa akin. May nagpadala rin sa akin na pambili ng relo. Ang kailangan kasi we have to prove na yung dala namin is not coming out from Russia," pagdiin ng opisyal. Kumpiyansa naman ang liderato ng PNP na maipapaliwanag ni Dela Paz ang pera at ipinadala na rin umano sa Russia ang mga kailangang dokumento na magpapatunay na galing sa Pilipinas ang pera. "That was a cash advance which is for liquidation. Pag balik nila that amount will be liquidated," ayon kay Interior and Local Secretary Ronaldo Puno. Sa kabila nito, inutos ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na imbestigahan ang malaking halaga na dala ni Dele Paz sa Russia para sa maliit na delegasyon ng mga opisyal ng PNP. - GMANews.TV
LOADING CONTENT