Filtered By: Topstories
News

Pagbabawal sa pag-aangkat ng China milk ipinanukala sa Senado


MANILA, Philippines – Ipinanukala nitong Lunes ni Senator Edgardo Angara sa isang senate resolution na ipagbabawal ang pag-aangkat ng anumang uri ng gatas at dairy products mula sa China upang mailigtas ang consumer sa pagkonsumo ng kontaminadong produkto. “In these trying times, some Filipinos would compromise food safety and would rather risk on cheaper food products to stretch their meager budget. Now, it is the reponsbility of the government to ensure that affordability comes with safety," ayon kay Angara. Dahil dito, hinikayat din ni Angara ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagkain na tiyakin ang kaligtasan sa pagkain at itaguyod ang kamalayan ng mamimili upang maiwasan ang eskandalo sa pagkain tulad ng kontaminadong gatas mulang China. “Government should ensure that all fronts are covered when it comes to food safety," sabi ni Angara. Pinaigting ng huling krisis sa pagkain na kinasasangkutan ng produktong gatas na kontaminado ng melamine mulang China ang pangangailangan na gawing moderno ang BFAD na kung saan, kailangan kumilos nang doble ang mga empleado ng ahensiya upang mapabilis ang pagsusuri sa mga produkto. Nahihirapan naman ang DTI at BoC na matiyak na hindi maibebenta sa pamilihan ang bawal na produkto. “Filipino consumers, armed with adequate information and secured with proper regulatory atmosphere from the Government, could celebrate Christmas free from food safety concerns. Consumers however, must be extra careful on what they buy and eeat in this Yuletide season," ani Angara. - GMANews.TV