Filtered By: Topstories
News

Vice mayor sa Tarlac pinatay!


MANILA — Binaril at napatay ng mga hindi kilalang lalaki ang bise alkalde ng isang bayan sa Tarlac nitong Sabado. Ayon kay San Manuel Mayor Jose Villa Agustin, binaril ng mga armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang kanyang bise alkalde na si Reynaldo Malazo sa harap ng bahay nito dakong 2 p.m. nitong Sabado. “Unfortunately, my vice mayor did not survive the attack," pahayag ni Agustin sa panayam sa radyo. Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Agustin na kausap ni Malazo ang kanyang drayber sa harap ng bahay ng biktima sa tapat ng national highway nang barilin siya ng mga salarin. “Police are still looking for witnesses. It’s difficult to speculate about the motive for the killing. Our ABC president was also killed just recently," ayon sa alkalde. Kulungan sinalakay Samantala, dalawang pulis naman ang nasugatan nang salakayin ng mga hinihinalang rebelde ang isang kulungan sa lalawigan ng Quezon at pinalaya ang pitong bilanggo nitong Sabado ng gabi. Sa ulat ng Bombo Radyo, tinatayang 10 lalaki na nakauniporme ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pumasok sa Quezon Provincial Jail dakong 7 p.m. Sinabi sa ulat na naglunsad na ng manhunt operation ang Lucena City Philippine National Police at PNP Provincial mobile group upang hanapin ang mga sumalakay at nakatakas na mga preso. – GMANews.TV