Filtered By: News
News

Unang nagwagi ng Palanca Award sa Filipino short story


Alam niyo ba na babae ang kauna-unahang nagwagi ng grand price sa prestihiyosong Palanca literary award sa Filipino short story category noong 1951. Ang (Don) Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay itinatag noong 1950 bilang pagkilala sa mga alagad ng sining sa pagsusulat sa wikang Ingles at Filipino. Isang taon makaraang itatag ang Palanca, tinanghal na first price ang akda ni Genoveva “Aling Bebang" Edroza Matute, para sa kategorya ng maikling kuwento sa Filipino na, “Kuwento ni Mabuti." Ang “Kuwento ni Mabuti" ay tungkol sa isang guro na tapat sa kanyang propesyon sa paningin ng isang humahangang mag-aaral. Ang nilikha ni Genoveva ay tila hindi nalalayo sa kanyang buhay. Naging guro siya sa loob ng 46-taon, at naging department head sa Filipino at Dean of Instruction sa Philippine Normal University. Isinilang si Aling Bebang noong January 1951, at lumaki sa Tayuman, Tundo. Nagtapos siya ng kolehiyo sa PNW at kumuha ng master’s degree sa University of Santo Tomas. Ilan pa sa mga nilikhang kuwento ni Genoveva na nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca ay ang "Paglalayag sa Puso ng Isang Bata," at "Parusa." Gayundin ang “Maganda Ang Ninang Ko" at “Pagbabalik." Noong 2005, pinagkalooban siya ni dating Pangulong Gloria Arroyo ng Lifetime Achievement Award. Tumanggap din siya ng pagkilala sa Republic Literary Awards, Gawad Cultural Center of the Philippines, Kapisanan ng mga Propesor sa Filipino at iba pa. Marahil dahil sa kanyang edad, hindi na nagising at pumanaw si Genoveva sa edad na 94 noong Marso 2009. Ang kanyang mister na si Epifanio Gar. Matute ay isa ring manunulat na siyang nasa likod ng sikat na programa sa radyo at telebisyon noong dekada 50 hanggang 60 na “Kuwentong Kutsero." - FRJimenez, GMNews.TV
Tags: pinoytrivia