Filtered By: Topstories
News

Ang dalawang pang Supremo ng Katipunan


Kapag binanggit ang katagang Supremo, agad na papasok sa ating isipan ang pangalan ng bayaning si Gat Andres Bonifacio. Pero alam niyo ba na mayroon pang dalawang rebolusyunaryo na binigyan ng titulong Supremo. Ang kilusan ng mga katipunero na mas kilala sa tawag na KKK (Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) na lumaban sa mga mananakop na Kastila ay itinatag noong Hulyo 1892. Sinasabing binuo ang grupo sa bahay ng idineklarang unang Supremo ng katipunan na si Deodato Arellano sa Azcarraga sa Maynila. Ang ikalawang hinirang na Supremo ay si Roman Basa na nagmula sa lalawigan ng Cavite. Ang pag-anib sa sikretong samahan ay siniselyuhan sa pamamagitan ng blood compact na simbulo ng katatagan ng kanilang samahan na ang layunin ay mapalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mananakop na Espanya. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia
LOADING CONTENT