Filtered By: Topstories
News

Ang unang pangalan ng University of the Philippines


Maraming kabataan ang naghahangad na makapag-aralan sa University of the Philippines (UP) kung saan marami sa ating mga lider ay dito nagtapos. Pero alam nyo ba na hindi ito ang orihinal na pangalan ng unibersidad. Itinatag ang UP noong 1908 kung saan ang una nitong pangalan ay American University of the Philippines. Nagsimula ang UP sa kursong Fine Arts, Liberal Arts, at Medicine and Surgery sa Padre Faura, Ermita at R. Hidalgo sa Quiapo, na kapwa sa Maynila at School of Agriculture sa Los Baños, Laguna. Taong 1939 nang magdesisyon ang UP Board of Regents na simulan ang konstruksiyon sa 493-hektaryang UP sa Diliman, Quezon City. At dalawa sa 17 na naupong presidente ng unibersidad ay Amerikano. Ito ay sina Murray S. Bartlett (1911-1915) at Guy Potter Wharton Benton (1921-1925).-GMANews.tv

LOADING CONTENT