Natuldukan na ang tampuhan nina dating Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Alan Cayetano, mga kapatid nito at ang kanilang ina, sa pagbubukas ng 16th Congress kamakailan.

Matapos mahalal at manumpa bilang Senate Majority Floor Leader, agad na nilapitan ni Cayetano si Enrile sa upuan nito at nakipag-kamay bilang pagpapatunay ng kaniyang pakikipag-ayos.

Senators Juan Ponce Enrile, Alan Peter Cayetano reconcile.  Photo by Senate PRIB

Sumunod na lumapit kay Enrile si Sen. Pia Cayetano, Taguig Mayor Lani Cayetano, at ang ina ng magkapatid na senador na dumalo zrin sa naturang okasyon.

Hindi rin matatawaran ang galak sa mukha ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na saksi sa muling pagkakasundo ng kapwa niya mga senador.

Nag-ugat ang mainit na bangayan at palitan ng maaanghang na salita sa pagitan nina Enrile at Cayetano bago matapos ang 15th congress dahil sa isyu sa pamimigay ni Enrile ng pondo ng Senado.

Partikular na rito ang ‘di patas na distribusyon ng karagdagang maintenance and other operating expenses (MOOEs) noong Disyembre 2012 sa mga senador.

Nauwi din sa personalan ang alitan na humantong sa pagkakadawit ng pangalan ng yumaong Sen. Rene Cayetano, ama ng magkapatid na Cayetano at ang umano’y personal na relasyon ni Enrile sa chief of staff nito na si Atty. Gigi Reyes.

Pinatunayan din ng bagong majority leader ang una nitong pahayag na handa siyang mag-inisyatibo sa pagbubukas ng diyalogo at muling humingi ng dispensa sa tamang panahon sa nakaalitang senador bagama’t una na niya itong ginawa. — Linda Bohol /LBG, GMA News