advertisement
Filtered By: News
News

Aso na namatay sa aksidente, ibinurol at pinaglamayan sa Ilocos Norte


Para maipakita ang pagmamahal sa alaga, magdamag na pinaglamayan ang isang pamilya sa Pinili, Ilocos Norte ang alaga nilang aso na nasawi matapos masagasaan ng van. At gaya ng burol sa tao, mayroon din nagsugal sa burol ng asong si "Tisoy."

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes, sinabing nagpasadya ang nag-aalaga kay Tisoy ng kabaong na pinaglagyan ng mga labi nito.



Namatay si Tisoy nang masagasaan ng van.

Dinala pa siya sa pagamutan pero binawian din ng buhay.

Sa hiwalay na ulat ng GMA news "24 Oras," sinabing kahit tatlong buwan pa lang na inaalagaan ng amo ang aso, parang anak na raw ang turing nito sa hayop.

Matapos ang magdamag na lamay, inilibing si Tisoy sa likod ng bahay ng kaniyang amo. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT