Filtered By: Topstories
News

1954 nang unang magsagupa ang FEU at NU sa UAAP finals


Alam ba ninyo na ang huling naglaban ang FEU Tamaraws at NU Bulldogs sa championship ng men's basketball ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) ay naganap noong 1954?
 
Ang koponan ng Far Eastern University at National University ang naglaban ngayong taon para sa UAAP Season 77 men's basketball title.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lumaban para sa kampeonato ang NU at pang-20 naman para sa FEU mula nang itatag ang UAAP noong 1938.
 
Sa bakbakan ng FEU at NU para sa kampeonato noong 1954 na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum, naging mababa ang iskor na 41-36, pabor para sa Bulldogs.
 
Ang naturang panalo ng NU ang kanilang una at nag-iisang kampeonato sa nakalipas na 60 taon. Samantalang siyam na taon na ang nakalilipas nang huling nakapasok sa finals ang FEU.

Naulit ang kasaysayan nang talunin muli ng NU ang FEU sa laban nila ngayong 2014 sa iskor na 75-59 na nangyari sa Araneta Coliseum. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia