Filtered By: Topstories
News

Dumaguete City, kabilang sa '7 Best Places to Retire Around the World'


Nakasama ang Dumaguete City sa Negros Oriental sa listahan ng mga lugar sa buong mundo na pinakamagandang magretiro ang mga senior citizen.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, sinabing ang pagkakasama ng Dumaguete City sa '7 Best Places to Retire Around the World' ay nakasaad sa artikulo ng prestiyosong American online business news magazine na Forbes.com.

Ang listahan ay ibinase daw sa 2014 retiree overseas index.



Bukod sa mura ang standard of living sa Dumaguete city, maganda rin ang klima ng tinaguriang "City of Gentle People" dahil hindi ito kadalasang dinadaanan ng bagyo.

Hitik din ang lugar sa magagandang tanawin at maraming mga nakaka-relax na beach.

Nanguna naman sa listahan ang Algarve sa Portugal, na pinakamura raw tirahan ng mga retiree sa Europe.

Pasok din ang George town sa Malaysia at Chiang Mai sa Thailand. -- FRJ, GMA News