Filtered By: Topstories
News

WATCH: Cebuanong bumibirit na ala-Michael Bolton, kinukuhang guest sa 'Ellen'


Sikat na sikat ngayon sa social media ang Cebuanong si Roland Abante matapos ibirit ang kanyang bersyon ng kanta ni Michael Bolton na "To Love Somebody."
 
Nag-vi-videoke lang umano si Abante kasama ang kanyang mga kaibigan nang kunan siya ng video ng isa sa mga kasama, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Lunes.
 
Naging viral ang video dahil sa husay sa pagbirit ni Abante, at umabot na nga ng higit sa isang milyong views ang orihinal na video.
 
 
 
Bukod dito, mayroon ding video si Abante na kinakanta ang "You're the Inspiration" ni Peter Cetera. 
 
 
Ayon sa kaibigan at tumatayong manager niya ngayon, na-contact na sila ng isang agent ng American TV network na NBC upang imbitihang mag-guest si Abante sa "The Ellen Show" sa Amerika, na ikinatuwa namna umano ng Cebuano Internet sensation. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News