advertisement
Filtered By: News
News

Bilyaran  sa Cotabato, pinasabugan; 3 katao, patay at 22 ang sugatan


Isang improvised explosive device (IED) ang pinasabog sa isang bilyaran sa M'lang, Cotabato na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng 22 iba.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nagkabutas-butas ang bubong ng bilyaran dahil sa lakas ng pagsabog.



Ayon sa militar, pinasabog ang IED gamit ang isang cellphone.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod at motibo ng pag-atake.

Inaalam din kung iisang tao o grupo ang nasa likod ng pagsabog sa bilyaran at sa naganap na pagsabog sa bayan ng Kabacan noong isang linggo dahil parehas daw ng pampasabog na ginamit ng salarin. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT