Filtered By: Topstories
News

Magpaparehistro ng sasakyan ngayong 2015, kailangan mag-apply ng bagong plaka


Kailangang mag-apply para sa bagong standardized plates ang mga motorista na magre-renew ng rehistro sa kanilang mga sasakyan simula sa Pebrero ngayong 2015.
 
"Motor vehicles that have already renewed their registration for January 2015 shall have the option of applying for the replacement in the next registration year at any LTO district office or at any time prior to thereto by going back to the same LTO district office where the renewal of its registration was last effected," paliwanag ng Land Transportation Office.

Ang bagong plaka ay nagkakahalaga ng P450, ayon sa LTO.

Makukuha umano ang bagong plaka, kasama ang third plate sticker at plate locks pagkaraan ng 45 araw mula sa araw ng ginawang pagpaparehistro.

Ang mga may-ari na rin ng sasakyan ang bahalang magkabit ng bagong plaka sa kanilang sasakyan.

"However, the attachment of any unauthorized plate(s) or any accessory or device to and/or around the authorized motor vehicle license plate, or any manner of attachment that impedes in any way the visibility or reflectivity of the authorized motor vehicle license plate shall be strictly prohibited," babala ng LTO.

Hindi na rin kailangang isuko at maaarin nang itabi na lamang ng mga motorista ang luma o ang pinalitang plaka ng sasakyan.

Idinagdag ng LTO na ang bagong plaka (na may tatlong letra at apat na numero) ay magtataglay ng kaparehong alphanumeric characters ng lumang plaka (na may tatlong letra at tatlong numero). — FRJ, GMA News

Tags: newplates