Filtered By: Topstories
News

Pambihirang uri ng pating, nalambat ng mangingisda sa Albay


Isang pambihirang uri ng pating ang nalambat ng isang mangingisda sa karagatang sakop ng Pio Duran, Albay. Sa laki at bigat ng pating, mahigit 10 katao ang kinailangan para madala ito sa pampang.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Huwebes, sinabing aksidenteng nalambat ng mangingisda ang tinatawag na "mega mouth shark."

May haba itong 15 talampakan at lapad na 34 na pulgada.

Pero dahil hindi nakalabas ng lambat ang pating, tuluyan itong namatay.



Kuwento ng mangingisda, inakala niyang marami siyang nahuling isda dahil sa bigat ng kaniyang lambat.

Pero laking gulat niya nang makita na isang dambuhalang pating pala ang pumasok sa kaniyang lambat.

Kaagad namang ipinaalam sa mga awtoridad ang pagkakahuli sa pambihirang uri ng pating.

Balak na i-preserve ang pating para mapag-aralan ng mga dalubhasa. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT