Isang apat na taong gulang na babae ang inaya ng tatlong lalaking edad walo, siyam at sampu para maglaro. Pero ang laro, nauwi sa krimen matapos halayin umano ng mga batang suspek ang batang babae na dinala nila sa isang masukal na lugar sa Mauban, Quezon.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabi ng ama ng biktima na mismong ang kaniyang anak ang nagkuwento sa ginawa sa kaniya ng tatlong kalarong lalaki noong Huwebes.

Nasa trabaho daw ang ama at naiwan sa bahay ang anak nang mangyari ang krimen. Nasa abroad naman ang ina ng bata.

Nang puntahan umano ng ama ng biktima ang isa sa mga batang suspek, inamin daw nito ang ginawa sa kaniyang anak.

Nakausap din ng GMA News, ang isa pa sa mga suspek at ikinuwento nila na maglalaro lang dapat sila kasama ang biktima.

Pero inutusan daw sila ng pinakamatanda sa mga suspek na talian ang kamay ng batang biktima at ginawan na ng kahalayan.

Ayon naman sa ina ng isa pang suspek, inamin din nito ang nagawang krimen.

Naipatingin na sa mga social worker ang biktima pero kailangan pa raw itong ipasuri sa duktor.

Humingi na rin ng tulong ang ama ng biktima sa pulisya kaugnay ng kaso pero nangangamba siya sa kahihinatnan nito dahil mga menor de edad ang mga suspek. -- FRJ, GMA News