Filtered By: Topstories
News
One more time

Sen. Miriam, inihayag ang planong tumakbong pangulo sa 2016


Inihayag ni Senador Miriam Defensor Santiago nitong Martes ang plano niyang sumabak muli sa panguluhang halalan sa May 2016 elections.
 
Sa pulong balitaan matapos ang book signing event,  sinabi ni Santiago na magaling na siya sa kaniyang Stage Four lung cancer  na naging dahilan kung bakit hindi siya nakapasok sa Senado ng may isang taon.

Sa simula ng pagtatanong ng mga mamamahayag, sinabi ni Santiago na, "I cannot say under the law that I will run for president but I am allowed to say that I am running for office."

Nang tunungin kung posisyon ng pangulo ang kaniyang aasintahin, tugon niya, "In so far as I'm concerned."
 
Sa Biyernes umano plano ni Santiago na ihain ang kaniyang certificate of candidacy.
 
Hindi rin binanggit ni Santiago kung sino ang kaniyang magiging bise presidente. Pero sinabi nito na nagpahayag ng intensyong kumandidatong pangalawang pangulo ang taong gusto niyang maging katambal sa 2016.
 
Sa kaniyang book launching na "Stupid is Forevermore", nakasuot ng pulang damit ang kaniyang mga tauhan na may nakasulat na "#MIRIAM2016."

Mensahe niya mga taong dumalo sa pagtitipon, "If I become president sometime in the very near future, this country will be much better than it was before." 

Ikatlong sabak?

Dating tumakbong pangulo ng bansa si Santiago noong 1992 elections pero natalo siya laban kay dating Pangulong Fidel Ramos.
 
Muli siyang sumabak sa panguluhang halalan noong 1998 elections kung saan nagwagi naman si dating Pangulong Joseph Estrada.
 
would be running under her People's Reform Party, the same party she founded and ran under when she sought the presidency in 1992 and in 1998. —FRJ, GMA News

LOADING CONTENT