Filtered By: Topstories
News

Unang Pinay sa Playboy Magazine


Bago pa man pagkaguluhan ng mga kalalakihan ang men’s magazine na FHM, unang kinahumalingan ng mga Pinoy ang US magazine na “Playboy" na nagsimula noong 1950’s. Kilala nyo ba kung sino ang unang Pinay actress na nag-pose sa magazine na ito? Taong 1982 nang maging kontrobersiyal si Techie Agbayani dahil sa “mapangahas" niyang pag-pose ng hubo’t hubad sa German edition ng Playboy. Ngunit hindi si Techie kundi si Marissa Delgado ang sinasabing unang Pinay actress na nag-pose sa US edition ng Playboy noong 1965. Ngunit hindi sa centerfold ng magazine nasilayan ang kagandahan ni Marissa. At likuran bahagi lamang ng kanyang katawan ang kanyang "ipinasilip." Ang unang Pinay na sinasabing nag-pose para sa centerfold ng magazine ay si Lourdes Estores na nakabase sa Hawaii. Ang iba pang Pinay o dugong Pinay nakita na sa men’s magazine na ito ay sina Pia Reyes, Motley Crue, Brandi Brandt, Kim Herrin at Lana Asanin. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia