Filtered By: Topstories
News
Matapos ang sawa

Kobra, lumitaw naman ngayon mula sa inidoro ng isang bahay sa Thailand


Matapos ang sawa, makamandag na kobra naman ngayon ang nahuli matapos na lumitaw sa inidoro ng isang bahay sa Thailand.

 


Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing nakaligtas ang residenteng lalaki sa peligro dahil nakita niya kaagad ang ulo ng ahas na lumitaw sa inidoro nang pumasok siya sa banyo.

Nang makita ang kobra, kaagad siyang lumabas ng banyo at humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Pero nang balikan ang banyo, nawala na ang ahas na pinaniwalaang pumasok muli sa loob ng inidoro.

Kinailangan pang buksan ang septic tank sa lugar at mag-spray ng pesticide para mapalabas ang kobra at makuha ang ahas na may tatlong talampakan ang haba.

Kaagad namang dinala sa isang snake farm ang kobra.

Basahin: Lalaki sa Thailand, sinakmal sa 'private part' ng malaking sawa na nasa inidoro

Noong nakaraang buwan, isang lalaki rin sa Thailand ang naospital matapos sakmalin ng isang sawa ang kaniyang maselang bahagi ng katawan habang nakaupo sa inidoro. -- FRJ, GMA News

Tags: snakeattack