advertisement
Filtered By: News
News

Aswang o magnanakaw?: Bahay ng buntis pinasok daw ng maitim na nilalang


Nabahala ang ilang residente sa isang barangay sa Tagana-an, Surigao del Norte dahil umano sa nilalang na pinaniniwalaan aswang na pumasok sa bahay ng isang buntis.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, ikinuwento umano ng isang residenteng buntis sa barangay Himamaog, na natutulog sila nang biglang may pumasok sa kanilang bahay.

Maitim daw ang hitsura nito, malansa ang amoy at nanlilisik ang mga mata.

Pero kaagad daw umalis ang hindi natukoy na nilalang nang magising sila.

Dahil naman sa takot ng ilang residente, naghanda na sila ng matulis na kawayan para manlaban sa hinihinalang aswang.

Pero ang punong barangay, hinihinala na magnanakaw ang tinutukoy na nilalang.

Maaaring paraan daw iyon ng magnanakaw para makapambiktima.

Iimbestigahan naman daw ng pulisya ang naturang insidente. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT