Sa programang "Pinoy MD," kabilang sa mga tanong na sinagot ni Dr. Oyie Balburias ay kung normal ba sa isang bata ang madalas na pag-ihi sa gabi.

Ayon kay Dr. Balburias ang madalas o sobra-sobrang pag-ihi ay posibleng indikasyon ng "polydipsia" na maaaring sintomas ng diabetes.

Sa panahong ngayon, sinabi ng duktor na hindi na limitado sa mga matatanda ang diabetes, at maging ang mga bata ay tinatamaan na ng naturang karamdaman lalo na ang mga sobrang "malusog."

Mayroon umanong mga pagsusuri na ginagawa ang mga duktor para malaman kung may senyales ng diabetes ang bata kaya makabubuting dalhil sa pagamutan ang bata.

Dagdag pa niya, isa o dalawang beses na pag-ihi sa gabi ang maituturing normal na pag-ihi ng mga bata na mayroon nang kakayahan na kontrolin ang pag-ihi.

Panoorin ang naturang episode at alamin ang tugon ni Dr. Balburias sa tanong  tungkol sa paninilaw ng mata at pananakit ng talampakan:

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News